Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Angel walang kinolekta kay Joma sa Netherlands

0 869

NI: ROLDAN CASTRO

Pumalag ang kapatid ni Angel Locsin na si Angela Colmenares sa isang fake news.

May tsikang lumalabas sa online na umano’y pumunta si Angel sa Netherlands nitong nakaraang eleksyon para kumuha raw ng pera kay Joma Sison.

Related Posts

Pinalabas din na umano’y may kapatid ang akttres na CPP-NPA na namatay sa bakbakan.

Resbak ni Angela sa kanyang Facebook account, “Nakakatawa naman ito. Di pa nakakatuntong sa Netherlands si Angel para i-meet si Joma saka buhay pa po kaming lahat na magkakapatid. I just wish CPP-NPA ako, as in Certified Patriot of the Philippines-Not Paying Attention to your bullshit.

“Kung gagawa kayo ng fake news, gawin nyo namang convincing. Konting research naman kayo dyan …”

Leave A Reply

Your email address will not be published.