Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Angeli bet tikman ni Paul

0 77

Sa vlog ng Viva artist na si Andrew Muhlach, sumalang sa Tititigan o Titikman challenge ang Kapuso actor na si Paul Salas.

Sa naturang challenge, iflinash ang litrato ng iba’t-ibang sexy stars nakailangan niyang magkomento kung bet niya ang mga itong titigan o tikman.

Ayon kay Paul, type raw niyang titigan sina AJ Raval, Sue Ramirez, Bea Alonzo at Bianca Umali.

Pagdating sa ex na si Barbie Imperial, matagal na raw niya itong tinitigan lalo pa noong labs niya ito.

Hindi rin daw niya katalo si Ivana Alawi dahil iisa ang kanilang manager kaya tititigan na lang daw ang sagot niya para rito.

Sa kaso naman ng sexy hot actress na si Angeli Kang, sobra raw ‘kissable’ ang lips nito kaya bet niya itong tikman.

Leave A Reply

Your email address will not be published.