Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Angeli bumigay sa ‘tatluhan’

0 53

NI: ROLDAN CASTRO

Paiinitin ng isang babaeng nagngangalang Eva ang malamig na Disyembre sa Vivamax.

Tampok sa nasabing erotic-drama movie ang K-Krush na si Angeli Khang.

Fresh mula sa massive success ng kanyang unang pelikulang pinagbidahan, ang Mahjong Nights. Ngayon naman, gagampanan niya ang role ni Eva, isang kasambahay na maraming gustong malaman pagdating sa sex. Dahil dito, mauuwi siya sa isang threesome kasama ang kanyang babaeng boss at isang houseboy.

Sa isang panayam kay Angeli, ipinahayag niya ang kasiyahan niya para sa mga oportunidad na dumating sa kanya, “Sobrang nakaka-flatter talaga. Thankfully na-deliver ko lahat… I’m thankful din na nakita nila yung potential ko and sobrang thankful ako na na-appreciate nila yung efforts ko.”

Ang pelikulang Eva ay mula sa direksyon ni Jeffrey Hidalgo. Makakasama niya sina Sab Aggabao, Ivan Padilla atbp.

Mapapanood na ang Eva sa Vivamax sa darating na Disyembre 24.

Leave A Reply

Your email address will not be published.