Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Angeli keber sa virginity

0 531

NI: ROLDAN CASTRO

Ilulunsad ng Viva Films si Angeli Khang sa pelikulang Taya.Tampok din ang dalawa pang alaga ng ‘pandemic manager’ na si Jojo Veloso na sina AJ Raval at Jela Cuenca.

Kahit pandemic ay rumaratsada sa maraming proyekto ang mga alaga ni Tito Jo. Hindi sila nawawalan ng raket.

Sa presscon ng Taya ay keber ni Angeli kung kuwestyunin ang kanyang virginity dahil sa paggawa ng sexy movie. Nagtatrabaho lang daw siya at hindi sukatan sa isang babae kung ano ang ginagawa para tanungin pa kung virgin ba ito o hindi na.

Si Angeli at isa sa naging Xerex Sex Goddess ng xerex.ph na nagbabasa ng mga sexperience na padala kay Xerex Xaviera.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Huhusgahan na si Angeli sa pinakabagong psychedelic erotic thriller Vivamax Original, ang TAYA. Kasama rin sa movie sina Soliman Cruz, Mon Confiado, Pio Balbuena at Raul Morit.

Ito ay sa direksyon ni Roman Perez Jr. na siya ring nagdirek ng pelikulang “Adan”.

Mapapanood ito sa August 27 sa ktx.ph, iWantTFC, TFC IPTV at VIVAMAX.

Bukod dito, tatayaan din ng Viva si Angeli dahil may solo movie siyang gagawin entitled “Majong Nights”.

Leave A Reply

Your email address will not be published.