Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Angeli nakiliti kay Jay

0 329

Nagbabagang senswal na emosyon ang magliliyab sa bagong erotic drama movie ni direk Law Fajardo, ang Mahjong Nights.

Bida rito ang upcoming sexy star ng Viva na si Angeli Khang.

Hirit ng baguhang sexy actress may eksena raw siya kay Jay na nakiliti siya. May binulong daw kasi ang magaling na aktor habang ginagawa nila ang scene na yun kaya natawa siya.

Sey pa ni Angeli binuhos niya ang pagpapasilip sa movie na ito. May mapangahas na dukutan scene pa.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Samantala, si Esther (Mickey Ferriols) ang punong abala at nag-aayos ng Mahjong Night game kasama ang kanyang matatalik na kaibigan. Ginagawa nila ito sa kanilang bahay na tinitirhan din ng kanyang pangalawang asawa na si Leo (Jay Manalo), at ang nag-iisa niyang anak na si Alexa (Angeli Khang).

Pero, kasabay ng mahjong, ay marami pang ibang nangyayari sa loob ng kanilang bahay. Ang pagnanasa ni Leo kay Alexa. Ganoon din ang lihim na pagtatagpo ni Alexa at ng driver ng kaibigan ng kanyang ina.

Matapos ang sexy role ni Angeli sa pelikulang “Taya,” tinanggap  naman niya ang  mapaghamong papel.

Kasama rin sa pelikula sina Arnel Ignacio, Jamilla Obispo at Maricel Morales.

Leave A Reply

Your email address will not be published.