Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Angeli ‘pinagnasaan’ ni Jay

0 226

NI: ROLDAN CASTRO

Nagbabagang senswal na emosyon ang magliliyab sa bagong erotic drama movie ni direk Law Fajardo, ang Mahjong Nights. Bida rito ang upcoming sexy star ng Viva na si Angeli Khang.

Si Esther (Mickey Ferriols) ang punong abala at nag-aayos ng Mahjong Night game kasama ang kanyang matatalik na kaibigan. Ginagawa nila ito sa kanilang bahay na tinitirhan din ng kanyang pangalawang asawa na si Leo (Jay Manalo), at ang nag-iisa niyang anak na si Alexa (Angeli Khang).

Pero, kasabay ng mahjong, ay marami pang ibang nangyayari sa loob ng kanilang bahay. Ang pagnanasa ni Leo kay Alexa. Ganoon din ang lihim na pagtatagpo ni Alexa at ng driver ng kaibigan ng kanyang ina.

Matapos ang sexy role ni Angeli sa pelikulang “Taya,” tinanggap naman niya ang mapaghamong papel.

Kasama rin sa pelikula sina Arnel Ignacio, Jamilla Obispo at Maricel Morales.

Leave A Reply

Your email address will not be published.