Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Angeli Takilya Queen ng Vivamax: Kabog sina AJ, Kylie, Cindy

0 225

Naunang sumikat sa Vivamax sina AJ Raval, Kylie Verzosa, Cindy Miranda. May movie na rin sina Sharon Cuneta, Julia Barretto ,Yassi Pressman sa nasabing platform pero ang Box Office Queen at Best New Movie Star ay si Angeli Khang . Ito ay dahil sa pelikula niyang ‘ Silip sa Apoy’ ni direk Mac Alejandre . Galing mismo ito sa Viva Communications, Inc. President and Chief Executive Officer (CEO) Vincent del Rosario.

Tatlong buwan na sa Vivamax ang ‘Silip’ pero hindi nawawala sa Top 10.

Deklara rin ni Boss Vincent na ang Ang Babaeng Walang Pakiramdam nina Jerald Napoles at Kim Molina naman ang record holder

Sayang dahil wala si Angeli sa Viva’s Summer campaign press conference kaya hindi niya narinig ang sinabi ng Viva executive.

Anyway, kinuha namin ang reaksyon ng sexy actress sa pamamagitan ng Viber.

“Very unexpected and blessed na mas nakita ng mga tao ‘yung potential ko on my 4th movie. Happy that all the hard work has been payed off with the help of Direk Mac Alejandre and the support of all the team and people that surrounds me,” sambit niya sa chat.

Tinanong din namin kung bakit wala siya sa malaking event ng Vivamax .

“Nag- outing po ako para happy before the one month shoot,” pakli niya.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Balitang nagliwaliw sa Boracay si Angeli.

Samantala, ang Vivamax pa rin ang no.1 streaming platformn sa Pilipinas na mayroon nang 3 million subscribers.

Napapanood na rin sa Vivamax ang mga A-list stars ng Viva gaya nina Nadine Lustre sa kanyang first Vivamax Original Movie na Greed.Nandoyan din ang Philippine Cinema’s Queen of Hearts na si Bela Padila para sa pelikulang 366.

Join na rin ang McLisse sa Habangbuhay at sina Sue Ramirez , Diego Loyzaga sa How to Love Mr Heartless.

Mapapanood na rin si Vice Ganda sa kanyang debut sa Vivamax, Gandara The Explorer, ang travelogue adventure trip niya papunta sa Sagada.

Nakatakda ring ipalabas sa Vivamax ang remake ng isang comedy classic movie ng Tito, Vic, at Joey, ang Working Boys. Tatampukan ito nina Mikoy Morales, McCoy De Leon, Andrew Muhlach at Jerald Napoles.

Nandiyan din ang Ikaw Lang Ang Mahal (Kylle Verzosa Zanjoe Marudo, Cara Gonzales), Babaylan (Jennifer Lee, Marco Gallo) Live Scream (Elijah Canlas, Kokoy de Santos); Adik Sayo (Cindy Miranda, JM De Guzman), Seoulmeyt (Kim Molina, Jerald Napoles), Baby Boy Baby Get (Heaven Peralejo, Kiko Estrada), Tondo Prince (Jerald Napoles), at Rooftop (Ryza Cenon, Marco Gumabao, Ella Cruz, Rhen Escaño, Marco Gallo, Andrew Muhlach).

Nasa Vivamax din ang pinakamaiinit na pelikula sa mundo ng streaming platform: Island Of Desire (Christine Bermas, Jela Cuenca, Sean De Guzman); lskandalo (Cindy Miranda, Ayanna Misola, Angela Morena, Sean De Guzman, AJ Raval); Kaliwaan (AJ Raval, Vince Rillon, Denise Esteban); Doblado (Denise Esteban, Josef Elizalde); Putahe (Ayanna Miscla, Janelle Tee); Pusoy (Vince Rillon, Janelle Tee, Jela Cuenca, Angeli Khang); Breathe Again (Tony Labrusca, Ariella Arida, Jela Cuenca, Ivan Padila); High On Sex (Denise Esteban, Kat Dovey); Kity K7 (Rose Van Ginkel, Marco Gallo; Virgin Forest (Angeli Khang, Sid Lucero, Kat Dovey, Vince Rillon, Rob Guinto); Secrets (Janele Tee, Denise Esteban); Ang Babaeng Nawawala Sa Sarili (Ayanna Misola), Mother’s Keeper (Angeli Khang, Jamilla Obispo, Marco Gumabao); Scorpio Nights 3 (Christine Bermas); Sitio Diablo (AJ Raval), Anna (Kylie Verzosa), Us X Hor (Ayanna Misola, Angeli Khang, Diego Loyzaga); Lampas Langit (Christine Bermas); Kara Krus (Rhen Escaño); at Itago Sa Dilim (Angeli Khang, Kylie Verzosa, Raymond Bagatsing).

Talbog!

Leave A Reply

Your email address will not be published.