Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Angeli tinarayan ng 2 aktres

0 110

NI:ARCHIE LIAO

Masaya si Angeli Khang dahil siya ang may hawak ng titulong Vivamax Box Office Queen. Ang kanyang pelikulang Silip sa Apoy ang may hawak na record bilang highest grossing movie ng nasabing online streaming platform.

Happy rin siya dahil patindi nang patindi ang mga direktor na humahawak sa kanya from Mac Alejandre, Lawrence Fajardo, Roman Perez, Jr. at Brillante Mendoza.

Aware naman si Angeli na siya ang bagong pinapantasya ng mga barako at kalalakihan.

Hindi raw naman big deal sa kanya na tawaging sex symbol pero higit sa pagpapaseksi ay gusto raw niyang patunayan na may ibubuga siya pagdating sa pag-arte.

Honored din siya sa maidirek ng Cannes award winning director na si Brillante Mendoza sa isang upcoming movie dahil wishful thinking daw niya na mapansin din sa international filmfests .Pangarap din niyang manalo ng award tulad ni Jaclyn Jose na nagsimula rin sa pagpapaseksi.

Nilinaw rin niya na walang rivalry sa kanila ni AJ Raval na co-talent niya sa talent manager na si Jojo Veloso.

Ibinahagi rin niya ang kanyang karanasan sa dalawang aktres na umano’y tinarayan siya sa set.

Bagamat di niya pinangalanan, ayaw raw naman niyang paapekto sa nangyari.

Hirit pa niya, never daw siyang magtataray dahil lagi raw siyang pinapangaralan at iminumulat ng mga taong malapit sa kanya ang kahalagahan ng pagiging mapagkumbaba para magtagal sa showbiz.

Si Angeli ay mapapanood sa “Pusoy” sa Mayo 27 sa Vivamax.

Leave A Reply

Your email address will not be published.