Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Angeli winasak ang record ni AJ

0 291

Kontrobersyal at talagang pinagpipiyestahan ng mga netizen ngayon si AJ Raval.

Ang bente-uno anyos na anak ni Jeric Raval, hindi maitatanggi na maganda at may ibubuga sa showbiz.

Bagamat may mga pinagdaanang intriga ang batang aktres, hindi naman siya rito nagpapaapekto.

Tuloy ang pagdating ng mga trabaho kay AJ kahit may intrigang napupunta na ang ibang proyekto sa isa pang Viva’s Maximum Crush, na si Angeli Khang. How true na kalahati ng movie projects ni Raval ay napunta na kay Angeli mula nang ma-link kay Aljur Abrenica?

Dati silang magkasama sa all-female group pero ngayon ay ‘magkaribal’ na sa mga proyekto sa Viva.

Hindi kaya nabahala si AJ dahil nasira ni Angeli ang kanyang pagrereyna sa Vivamax? Ang pinagbibidahan ni Khang na ‘Mahjong Nights’ ay nagtala ng record ngayon bilang highest single day views sa naturang platform. Babawi kaya si AJ sa latest movie niyang ‘Crush Kong Curly’?

May mga komento rin ang ilang netizens na ayaw na raw nila kay AJ at lilipat na sila kay Angeli.

Mukhang may ‘sabong’ na nangyayari sa dalawa mula sa kuwadra ng pamosong manager na si Jojo Veloso.

Anyway, hindi nagpapakabog si AJ dahil inaantabayan din ang mga ina-upload sa kaniyang YouTube na may higit sa 1 million subscribers, pati na rin sa kanyang social media account, gaya ng IG na aabot na rin sa 1 million ang followers, sa Tiktok naman mayroong 7.7 million na tagasubaybay ang dalaga.

Bukod dito, kamakailan lang ini-launch na rin si AJ bilang isang celebrity endorser ng Queen White Beauty Products. Si Angeli ba may endorsement?

‘Yun na!

Leave A Reply

Your email address will not be published.