Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Angelica aral kay Glaiza sa banyagang syota

0 180

ROMMEL PLACENTE:Finally, nilantad na ni Angelica Panganiban ang bagong nagmamay-ari ng kanyang puso na si Gregg Homan, na isang foreigner. Sa pamamagitan ng kanyang Instagram post idinaan ni Angge ang pag- amin Makikita rito ang picture nila ni Gregg na hawak-hawak niya ang mukha nito at akmang hahalikan Ang caption dito ng aktresay kung isa kang pelikula,sana wala kang ending Na ang ibig niyang sabihin, sana ay wala nang katapusan ang pagmamahalan nila ng foreigner boyfriend.

Hindi na kami nagulat sa bagong boyfriend ni Angge. Ang bestfriend niya kasing si Glaiza de Castro ay ibinisto na may bago na siyang inspirasyon, na nag- aalaga sa kanya ngayon. Ang pambibisto ni Glaiza ay nangyari nu’ng mag guest siya sa birthday episode ni Angge sa kanyang digital show na Ask Agelica

RODEL FERNANDO: Finally ay may boyfriend na uli si Angelica. Dahil dyan matatahimik na rin ang mga netizen na lagi siyang pinupuna. Na dapat daw ay huwag nang makialam sa mga isyung politikal at maghanap na lang ng boyfriend. At heto na nga isang dugong banyaga ang bumihag ng puso niya.

Ang tanong ngayon?!. Magtatagal ba ang relasyong ito? Ang bagong boyfriend na ba niya ang makakasama niya forever? Para sa akin mga ka-Cuatros ang sagot ay puwedeng oo at puwede rin namang hindi. Oo kasi ngayong hindi na busy sa trabaho si Angge ay magkakaroon siya ng quality time sa kanyang kasintahan. Mas matututukan niya ngayon ang kanyang lovelife.

Puwede namang hindi kasi first time yata nagka-boyfriend ng foreigner ang dalaga. Baka magkaroon sila ng misunderstanding or cultural differences. Iba pa rin kasi kung kapwa mo Pinoy ang makakarelasyon mo. Sabagay, sigurado namang binigyan siya ng tip at advise ng kaibigan niyang si Glaiza na may foreigner na nobyo. For sure, aral si Angelica para tumagal at maging forever ang relasyon nila ni Gregg.

Gerald, Julia aamin sa V-Day

MILDRED A. BACUD: So malinaw na hindi si Cholo Barretto ang bagong inspirasyon ni Angelica.There was a time kasi na na-link ang dalawa. Ako naman naniniwala na ang pag-aasawa ay nasa right timing and considering na nasa tamang edad na ang aktres ay posibleng mauwin rin ito sa kasalan.

SM SuperKidsDay Banner Ad

But what about Julia Barretto and Gerald Anderson.Di ba nitong mga nakaraang buwan ay unti unti ng nalalantad ang relasyon nila? Hindi man magkasama sa mga photo na posts, marami namang netizens ang nakakapansin na nasa parehong lugar sila. Isa na sa pagbabakasyon ng buong pamilya ni Julia sa resort ng aktor sa Zambales.

Kamakaikan dinay umamin ang aktres na inlabey siya. Parang nangangamoy pag-amin na anytime. Malay natin sa Valentines Day.Naghihintay lamang ng right timing ang dalawa. Ang pag-amin kaya nila ang maging unang big news sa 2021?

Phytos, Cherry Lou amoy romansa sa IG

ROLDAN CASTRO: Hindi lang ang pag-amin ni Angelica ang pasabog sa Instagram ngayon. Pati na rin ang Kapuso actor na si Phytos Ramirez at ang singer na si Cherry Lou.

Sa post ni Lou ay magkasama sila ni Phytos. Ang caption ay “Another year is about to start and I am excited to be able to welcome it next to you. ❤️❤️❤️#tory”

Nag-post din si Phytos sa kanyang IG account ng solo photo ni Cherry Lou. Mababasa ang, “happy birthday crush! may your birthday be as special as you are special to me in every way .”
Tanong ng mga netizem, mag-dyowa ba sila?
Si Cherry Lou ay hiwalay kay Michael Agassi.

Mukhang maganda ang pasok ng 2021 dahil puro pag-ibig ang nababalitan natin. Positive at nakakakilig.

Talbog!

Leave A Reply

Your email address will not be published.