Abante Tonite Interactive

Angelica at Carlo magdyowa na ulit

By
6,497

May balikan na bang naganap kina Angelica Panganiban at Carlo Aquino?

‘Yun ang tanong ng lahat dahil magkasama ang ex-sweethearts na sina Angelica at Carlo sa Australia.

As of kahapon nang hapon ay wala pang post sa kanyang Instagram feed si Angge, pero meron siyang videos sa IG stories habang nanonood ng concert ni Ed Sheeran sa Melbourne.

Wala siyang vid na magkasama sila ni Carlo, pero may CarGel fanatic na nakapag-save ng isang IG story na binura raw ni Angelica.

Magkatabi sila ni Carlo sa video at ang tamis ng mga ngiti nila habang tila kinikilig sa kantang Perfect ni Ed Sheeran. ‘Ngiting nagkabalikan’ ang dating ng smile na ‘yon ng CarGel at halatang ang saya-saya nila together.

Si Carlo ay may IG post na solo shot ni Angelica na nakatungo at hindi nakatingin sa camera.

Emojis ang ginamit ni Carlo sa caption niya na tila “Laughing is best when happy” ang gusto niyang sabihin.

May video pa si Carlo na nagsasayaw si Angge ala Bruno Mars habang may dumadaan na tao, tapos si Carlo ay may short dancing video rin.

Tanong ni Angge sa nasabing video, “Ano ‘yung weather?” na sinagot ni Carlo ng, “Pa-fall!”

“Sinong pa-victim?” tanong naman ni Carlo kay Angge, na si­nagot nito ng, “Ako!” sabay tawa.

May IG story si Angelica na nakita na sa camera si Carlo, tapos ay may message ulit si Angge kay Direk Andoy na ang weather ngayon sa Australia ay ‘pa-fall’ Dahil kaya sa ‘pa-fall’ wea­ther na ‘yon sa Oz ay mu­ling ‘nag-fall’ sa isa’t isa ang dating magkasintahan at sila na ulit pagbalik nila ng Maynila?!