Abante Tonite Interactive

Angelica ayaw isama ang mga ex-dyowa sa impyerno

672

NI: RONA RONDA

Kaligayahan, ‘yan ang hiling ng aktres na si Angelica Panganiban sa mga dati niyang nakarelasyon. Nanatiling malinis ang hangarin para sa mga ex-boyfriend kahit karamihan dito ay nanakit sa kanya.

Sa #AskAngge na pakulo ni Angelica sa Twitter, nagtanong ang mga isang netizen kung sino sa mga ex-boyfriend niya ang isasama niya sa impiyerno.

“Wala. Ayokong may kalabasan na hindi maganda sa mga buhay nila. I wish them happiness,” sey ng aktres.

Samantala, naging prangka naman si Angge sa tanong kung bet niya lang makasama ang ex na si Carlo Aquino sa iisang proyekto.

“Hindi na. I wish him well. Pero hindi na,” diretsahan niyang sagot.

Sa kabila ng ilang beses na pagkawasak ng puso niya, bukas pa rin ito para magmahal muli. Siyempre, plano rin niya ang magkaroon ng pamilya at anak.

Tonite – Wendys Inhouse Ad