Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Angelica ayaw sugurin ang taksil na dyowa

0 186

Bongga ang tsikahan sa “Ask Angelica” na guests sina Cherry Pie Picache, Mylene Dizon at Agot Isidro .

Ibinuking nila na di active ang sex life ni Cherry Pie.

Tinanong ni Angge kung ano ang nami-miss nito na walang dyug.

“‘Yan, mga TT ganyan…mga tropang totoo,” pakli ni Pie.

May mga tanong din ang mga netizen na sinagot nila

Sumagot si Angelica sa question na papayag ba siyang pupunta sa dinner ng ex kahit inimbita siya ng pamilya nito? May bago nang dyowa ang ex niya.

“Gulo lang yan, e. Parang naghahanap ka lang din ng gulo. Iba kasi ‘yan sa wala pa siyang girlfriend, e. Pero kung meron nang girlfriend, respeto na lang din. Tulungan mo na lang din sarili mong maka-move on nang tuluyan, ” sey niya.

Wala rin sa bokabularyo ng aktres na sugurin ang taksil na dyowa at ang kabit nito. ‘Yung hulihin sa akto.

“Hindi worth it. Kung sa pelikula nga lang pagod na pagod ako, what more pa kaya sa totoong buhay. Hindi maganda, day!” deklara niya.

SM food to go Banner Ad

Pak na pak talaga!

Ganda bet nang magka-baby

Nakumbinse ni Ogie Diaz si Vice Ganda na magkaroon ng sariling anak.

Bet na rin ni Vice na magka-baby.

Ito ang pagbubunyag ni Papa O sa kanyang latest vlog.

Ka-text daw ni Ogie si Vice na karerin na magka-supling.May kilala raw siyang doktor na siyang magpoproseso .

“Sige karerin natin,” pakli ni Vice.

Type na rin sigurong bumuo ng sariling pamilya ni Vice kasama si Ion Perez at ang magiging anak niya.

Talbog!

Leave A Reply

Your email address will not be published.