Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Angelica bagong ‘kakampi’ ni Andrea

0 230

NI: ARCHIE LIAO

Iniintriga ng ilang bitchy netizens ang ginawang pag-like ng Kapuso actress na si Andrea Torres sa post ni Angelica Panganiban. Matatandaang pareho silang ex ni Derek Ramsay.

Sa kanya kasing Instagram post, proud na ibinandera ni Angge ang weekend escapade niya kasama ang non-showbiz boyfriend nitong si Gregg Homan.

Tila nang-iinggit pa sa ka-sweetan ang lovebirds.

May caption itong :”Had a perfect week. Better to have a weekend jaaz like that.”

Sa pag-like naman ni Andrea sa post ni Angelica, umani ito ng iba’t-ibang reaksyon.

SM food to go Banner Ad

Ito ang ilan sa kanilang bitchy comments.

“Ayyy ni like ni Andrea Torres bongga”

“Oo nga, friends pala sila.”

“Inggit sya kaya palike like na lng ng photos ng mga may jowa lol.Sana maging happy na siya para di na siya bitter sa life.”

May ilang intrigera namang nagsabing si Angge ang bagong kaalyansa ni Andrea laban kay Derek.

Hirit naman ng ilang nang-uurot, kelan daw naman kaya magiging friends sina Ada at Ellen Adarna?

Leave A Reply

Your email address will not be published.