Abante Tonite Interactive

Angelica bitter pa rin sa pag-iwan ni John Lloyd?

3,452

HINDI napigilan ang paglitanya ni Angelica Panganiban nang pag-usapan ang tungkol sa isyu ng moving on at closure ng isang relasyon. Hindi man diretsahang nabanggit na si John Lloyd Cruz ang tinutukoy, pero nagkaintindihan na ang huli niyang karelasyon ang tinutumbok sa naturang pag-uusap.

Sa nakaraang blogcon ng pelikula nila ni Judy Ann Santos na Ang Dalawang Mrs. Reyes, tinanong si Angelica kung paano siya mag-move on.

“Maging maganda, maging happy sa buhay, maging positive. Tigilan natin ang pagiging bitter sa buhay.

“‘Yung ginagawa kong kalokohan is a way na para pagtawanan natin ang mga nangyayari.

“Pero in real life, wala eh, ganito talaga eh. Naiyak ko na naman lahat at normal naman ‘yun pag may pain ka na pinagdaanan.

“‘Yun ang natutunan ko talaga, i-embrace mo ang pain. Embrace mo ang journey, kasi kapag pinilit mo takbuhan, pag pinilit mo na iwasan na parang hindi ‘okay ako’ or isipin mo na ‘hello okay ako’, mas okay ako sa kanila’, hindi siya mag-work at all.

“‘Pag naiiyak ka, iiyak mo. Pag nahihiya ka sa harap ng mga tao, magtago ka kasi doon ka lang talaga matututo.

“So, ang pinakamagandang revenge, i-embrace mo, tanggapin mo then eventually okay ka na. Then, magugulat ka na lang na okay na pala, basta no bitterness at unahin mo muna ang pagpapatawad sa sarili mo bago sa ibang tao.”

Heto pa ang malalim na hugot ng aktres sa tanong kung bakit iniwan siya ng mga taong minahal niya.

“Kasi ‘yung bakit, kailangan mong sagutin ‘yan eh. Bakit tayo maghihiwalay? Bakit mo ako iiwan? ‘Yung bakit na tanong ko sagutin mo kahit hindi ko alam.

“‘Yung bakit, na harapin mo ako isang beses, pag-usapan natin ito eh, kung wala akong makuhang sagot sa‘yo, eh ‘di bye!

“At least, may nakuha akong sagot na ‘ay baka hindi na niya ako mahal’ sa mga itsura na ‘yun, sa mga mata na ‘yun, at sa pag-uusap na ‘yun.

“Huwag ‘yung pagtataguan ka. Hindi ‘yung hindi na lang basta lalabas, ‘yung magugulat ka na lang, huwag ganu’n guys!” say niya.

Nagkaroon ba ng closure sa huli niyang relasyon?

“Closure? Ikaw na mag-close nu’n, kasi ayaw niya eh. Saka bakit ka pa maglalagay ng closure? ‘Pag nakita mo na, ay wala na ‘to! Tapos na. Iba na eh, basta once na makita, ‘yun na ‘yun!” nakakalokang hanash ng isang Mrs. Reyes sa pelikula nila ni Juday.

“Ang bawat tao naman akala nila hindi nila nirerespeto ang lahat kapag hindi nila binigay ang lahat. Pero once na ‘pag naapakan na pala ‘yung pagkababae mo, ‘yung pagkatao mo, meron pala siya nu’ng ‘wait lang, tao ako’. Meron pala siyang ganu’n.

“Kaya naman ako nagsasalita, I’m sure hindi lang naman ‘to sa akin nangyari. May mga taong naduduwag sa closure. ‘Yung mga taong hindi marunong magpaalam nang maayos kahit na they don’t mean well. Para bang wala, hindi lang nila kaya magpaalam,” sabi na lang ni Angelica.