Abante Tonite Interactive

Angelica-Carlo panay ang landian

By
3,398

Sa ganda ng ‘renewed’ friendship nina Angelica Panganiban at Carlo Aquino, iisipin mo ngang nagkabalikan sila. Pagkatapos ng napakahabang panahon at mga ‘failed’ relationship nila sa iba, mukhang sila pa rin ang magkakatuluyan.

Sa on-going filming ng ‘Exes Baggage’, ang reunion movie nila after more than a decade, balitang very smooth ang shooting experience nila.

Panay lang daw ang kulitan at landian nila before the take and du­ring break. Pero kapag may mga eksenang magpapasabog na sila ng mga ‘hugot lines’ nila, seryoso daw ang dalawa sa kanilang mga role.

At kapag may ‘intimate’ scene gaya ng halikan at yakapan, para nga raw walang mga kamera na nakatutok o direktor na nagbibigay direksyon sa kanila.

“Baka nga bago matapos ang movie, mabalitaan na lang natin na sila na uli,” sey pa ng source namin.

JM umiwas sa gusot nina Barbie-Paul

Tama lang ang desisyon ni JM de Guzman na huwag magbigay ng reaksyon sa gusot between his leading lady Barbie Imperial at friend na si Paul Salas.

Kahit pa nga may nalalaman ang magaling na aktor sa relasyon ng dalawa, minabuti na lang nitong i-wish ng good luck ang mga ito.

“Eventually, maayos din iyan,” ang simpleng tugon ni JM nang amin itong makatsika kamakailan. Hangang-hanga nga raw sila (co-stars nila sa ‘Araw Gabi’) kay Barbie dahil never daw nitong dinala sa set ang personal nitong problema.

Pero natawa si JM nang itanong namin kung totoo bang ginamit na motivation ng direktor nila ang naturang isyu ni Barbie kay Paul, nang kunan ang isang eksena ng aktres?

Kailangan kasing mag-break down at maglabas ng galit si Barbie.