Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Angelica, Coco wagas ang laplapan

0 88

NI: ALWIN IGNACIO

Kung si Angelica Panganiban kaya ang hamunin natin sa closure challenge, papayag ba ito? Siyempre alam niyo na ang dapat niyang katapat sa kabugan ng pagtatapat ay si Carlo Aquino, hindi ba naman?

Nasa happy place na si Panganiban dahil nga may bagong lalaking nagpapatikbok na muli sa kanyang romantikong puso. Sa true lang tayo palagi my TONITE readers, ha, bukas na aklat naman na maliban kay Aquino, naging karelasyon rin ni Angelica sina John Lloyd Cruz at Derek Ramsay kaya pag pinagmamasdan kong maigi ang bagong lalaki sa buhay niya, and I therefore conclude ko, parang he looks more like Angelica’s tito than a jowa, right?

Well, kung masaya naman talaga si Panganiban sa kanyang tito looking jowa at sawa na siya sa mga pang matinee idol o hunk, why not, Choc Nut?

Ang mas nagpapainit pang lalo sa estrella powers ni tabachingching princess ay ang tambalan nila ni Coco Martin.

SM food to go Banner Ad

Best in bangs si Angelica sa movie, at hindi maitatanggi na she is deliciously voluptuous. At fresh na fresh ang kapogian at siyempre ang charisma ni Rodel, panalong-panalo.

Marami nga ang intrigang-intriga na sa marubdob na laplapan nina Angelica at Martin na sa trailer, parang pang- shadow play ang effect. All mine to give ang dalawa sa kanilang loving-loving na may kurtinang nakatabing at may lalaking grabehan ang paghalik.

Ang nakakabaliw, walang care ang mga katauhan nina Panganiban at Coco kaya kahit pa nakakawalang elya at romansa ang paghagok ni kuya, tuloy pa rin ang mga ito sa lampungan. Sana naman sa movie malaglag na hindi sinasadya ang kurtina o kaya ay may full close up laplapan ang dalawang mahuhusay na artista.

Leave A Reply

Your email address will not be published.