Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Angelica ‘di basag-trip kay Glaiza

0 422

NI: ROLDAN CASTRO

Bagay na bagay talaga ang bansag na ‘Katipunerang Milenyal’ kay Glaiza de Castro! Sa latest vlog kasi niya, mala-‘Buwan ng Wika’ ang naging tema niya.

Special guest pa niya rito ang boyfriend.

Saad ng Encantadia star, “Ito na ang bidyong bago niyong kagigiliwan �� Para sa mga kababayan ko pati na rin sa mga dayuhan, maaari niyo nang mapanood ito sa aking Youtube channel. Maligayang Buwan ng Wika! Maraming salamat @david_rainey89, ako’y lubos na nagagalak ��”

Sinakyan ni Angelica Panganiban ang paandar ni Glaiza. Hindi siya basag-trip.

Comment niya: “Kaibigan kong matalik,, ako’y maligayang lubos para sa inyo ni deybid.”

“@iamangelicap Ako’y masaya rin para sa aking butihing amigah,” pakli ni Glaiza.

May reaksyon din si Gabby Eigenmann, “Iba ito.. ako rin ay nagagalak na makita kayong dalawa na masaya.. malayo man sa isat isa, ramdam ko na parang adyan lang sa tabi tabi.. maligayang buean ng wika at maligayang pagmamahalan na mahabang distansya? @glaizaredux @david_rainey89.”

Sagot naman ng Kapuso actress, “glaizaredux
@gabbyeigenmann Salamat sa makabagbag-pusong komento kaibigan!”

Leave A Reply

Your email address will not be published.