Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Angelica ‘di na keri na jowain si John Lloyd

0 186

Nabalikan ang past ni Angelica Panganiban sa ‘Jojowain o Totropahin’ challenge niya kasama ang kanyang mga kaibigan na sina Kim Chiu at Bela Padilla.

Sa naturang vlog, nakasama sa choices si John Lloyd Cruz, na matatandaang dating dyowa ni Angelica.

Nang ipakita ang larawan ay sinabi nito na hindi na niya kayang maging jowa si Lloydie.

“Sa picture niya na ‘yan jojowain kaya lang ‘di ko talaga kayang jowain ‘yan eh,” sey ni Angelica,

Apat na taon ding naging magkarelasyon ang dalawa, kung saan na-involve naman si John Lloyd kay Ellen Adarna at nagkaroon sila ng isang anak.

Leave A Reply

Your email address will not be published.