Abante Tonite Interactive

Angelica ‘di pa maka-move on kay John Lloyd

By
260

 

Ginawan ng isyu si Angelica Panganiban ng mga netizen na pinapatamaan umano ang kanyang ex-boyfriend na si John Lloyd Cruz. Ito’y dahil lang sa pagbanggit ng gamot na dating ini-endorse ni Lloydie.

 

Abante Hiring – IT dep
“Nilalagnat at inuubo ako… nag biogesic at bioflu na ko. Pero walang effect at lalong parang hindi na ko makatayo sa bigat ng katawan ko… ano po dapat kong gawin?…,” tweet ng aktres.

 

Totoo namang may sakit si Angel pero bakit binigyan pa rin ng ibang kahulugan ng iba? Wala namang rason ang aktres na patutsadahan pa ang aktor sa ganitong pagkaka­taon. May kanya-kanya na silang buhay.

 

Gayunman sinagot niya ang ilang netizen at kapwa-artista sa kanyang kalagayan.

 

@ZCargel, “Madam mag pachek up ka parehas tayo ng sitwasyon eto bngyan ako ng antibiotic at gumnda ganda ang pakiramdam ko…get well soon madam.”
Sumagot naman ang aktres na wala siyang time.

 

@marodelrosario, “Kisspirin at yakapsule po madam every 5 mins. for 7 days.  Rest and lots of
fluid intake, if symptoms persist consult a doctor.”
Pakli ni Ange: “Potek… hindi yan kayang gawin ng pusa ko .”

 

Komento naman ni @KissesDelavin,”__Awww 🙁 You need a hug ate! Hug kita!” at may GIF na baboy.
Sagot naman ni Angelica: “Ginawa mo kong baboy… one year akong nag diet… pero ang sweet mo 🙂 miss you! Pero baboy talaga?”

 

@charrie blossom @CharrieBlossom, “Ate, kapag nagsusuka at nahihilo ka po, baka po iba na po yan.”

 

Sagot niya: “Hinintay ko nga eh. Pero sa imagination lang nangyayari. Tapos sasama na ulit pakiramdam ko.”

 

@AlMaineNa, “momsh baka hang over lang yan, diba nagmamam ka kahapon lolz, minsan kasi feeling natin kaya pa natin, pero yung katawan natin di na pala lalo na pag may edad na lolz.”

 

Tugon naman ni Angelica, “Hehe. Umuwi ako before 10pm lastnight dahil masama na talaga pakiramdam ko. Sinubukan ko mag pahi­nga at paracetamol. Pero pag gising ko this morning wala nagbago sa pakiramdam ko.”