Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Angelica game sa asal-aso na lampungan

0 124

NI: ROLDAN CASTRO

Hinuhusgahan ngayon sina Angelica Cervantes at Quinn Carillo sa pelikulang ‘Biyak’ ng Vivamax. Magkapatid ang kanilang role na nabuhay sa magkaibang mundo.

Bagamat iba ang ibig sabihin ng ‘biyak’ (komisyon) sa pelikula, hindi rin mabibigo ang mga manonood dahil mainit ang eksenang ‘bibiyakin’ nina Vance Larena at Albie Casino sina Angelica at Quinn.

Game naman sila sa asal-aso na love scene sa pelikula dahil malaki ang tiwala nila kay direk Joel Lamangan. Alam naman nila na hindi sila mababastos ‘pag gawa ng premyadong director.

Paano na-handle ni Angelica ang asal-aso na love scene kay Vance sa Biyak?
“Hindi ko po masasabi. Pero , kung gusto niyong malaman kung na-handle ko ba o hindi panoorin niyo na lang kung meron man o wala.Hindi ko nga po sure kung sino ang nag-asal aso na love scene,” bitin niyang sagot.

SM food to go Banner Ad

Gaganap si Angelica bilang si Violet. Napunta sa mayamang pamilya at nagkaroon ng marangyang buhay pero nakaranas ng walang tigil na pang-aabuso at sexual harassment ng kanyang adoptive father.

Para matakasan ang ganitong buhay, hahanapin ni Violet ang tunay niyang pamilya sa tulong ng boyfriend niyang si William (Vance ). Dadalhin siya ng kanilang paghahanap sa tunay niyang ina at makikilala rin ang kapatid na si Samantha (Quinn), isang matapang at siga na babae na sanay sa hirap at dating drug pusher, pero ngayon ay isa ng police asset na tumutulong sa mga pulis na katulad ni Erwin (Albie ) para magresolba ng mga drug-related cases.

Ngayong nakahanap sila ng kakampi sa isa’t isa at kasama na ang mga tao at pamilyang totoong nagmamahal sa kanila, makabawi na kaya sila sa lahat ng sakit at hirap na pinagdaanan nila?

Ang ‘Biyak’ ay movie collaboration na handog ng 3:16 Media Network, Viva Films at ni Direk Joel Lamangan na streaming na sa Vivamax.

Leave A Reply

Your email address will not be published.