Abante Tonite Interactive

Angelica hinampas si Carlo

971

tonite-diva-chronicles-alwin-ignacioBakit nga ba di na lang nila totohanin ang lahat o sadyang pampromo ang pinapakitang pagkakamabutihan nina Angelica Panganiban at Carlo Aquino?

Kasi naman, kamakailan lang sa Instagram Story ni Panganiban, hindi ito nagmaramot, walang halong pag-iimbot at buong katapatang ibinahagi sa kanyang mga follower ang bidyo ni Aquino na ang outfit of the day ay sleeveless shirt at kumportableng nakaupo sa isang tindahan.

Ang naglulumanding kuda ni Angelica, “Chori, ang yummy talaga ng biceps mo, lately. Ang yummy mo ngayon. Tingnan mo!” Ang reaksyon, tinakpan muna ang lente ng camera ni Panganiban at talagang tawang-tawa o kilig na kilig ba ito?

May kabidyo in tandem pa ito, huh! Sa Instagram story naman ni Aquino na akala mo wala, pero meron, meron, meron, seated ang dating magsing-irog sa loob ng kotse nang pasimpleng kunan niya si Angelica na seryosong abala sa kung anumang ginagawa nito sa hawak na mobile phone.

Ang drama ni Carlo, “Huli ka!” Ang emote naman ni Angelica, nakatawa at may kasamang lambing na hinampas ang lalaking minsan ay minahal niya at sinabihan itong “bwisit!”

Lumalakas ang ugong na may chance na reunited and it feels so good na nga ang dalawa dahil si Carlo at mga magulang nito, spotted na dumalaw sa bahay ni Angelica. Ano ito, family meeting na ang kasunod ay isang big public announcement? Iba rin ang mga paandar at payanig, huh!

Sa inyong pakiwari, promo pa ba ito o are starting over again na nga ba sina Carlo at Angelica? Yes or no? Spin a win!

Derrick ‘Millennial Biyakero’

Kung bordering na sa for real and for happily ever ang Aquino at Panganiban, eh sina Derrick Monasterio at Sanya Lopez naman kaya, kamusta ang kanilang for reel na pagsasamahan?

Inilahad ni Derrick sa isang panayam na walo ang kanilang intimate scenes ni Sanya at dahil nga no boyfriend since birth ang babaeng mala-pomelo ang susong dalaga, ang kuda ni Monasterio, “First time niya sa akin so nagulat siya. Pero ang maganda sa kanya, sobrang game! Siya pa ‘yung minsan, ‘Ano kaya mo ba?’ Gumaganon pa siya sa akin! Sige, teka! Ganun.”

Sa true lang, physically, match made in heaven ang dalawa. Si Derrick, matangkad at tisoy. Si Sanya, tama ang tangkad bilang babae at kulay Pinay. Matikas ang dibdib ni Monasterio. Busog lusog at nakakalunod ang dibdib ni Lopez. Hunk talaga ang binata. Seksing diyosang nahulog sa lupa ang dalaga. At ang mga laplapan nila sa trailer, totoong-totoo ang dating. Inaantay na lang ang sipsipan at dilang mga naglalaro, huh!

Ang taglay na pambihira kaya ni Monasterio, napigilan kaya niyang huwag magalit ang mga natutulog na ugat lalo na nga’t sad­yang mapanghalina si Lopez, hindi ba naman?

Ano kaya kung biglang nagparamdam at nagalit ang ‘di dapat magalit? Shookt kaya si Sanya? Napaigtad kaya ito sa pagkabigla at sabay sabing takot ako sa snake eh? O nagpaka-professional ito, a­lang-alang sa sining at sa pagiging mahusay na aktres, patay malisya lamang, rumorolya na ang camera, the shoot must go on, magdusa si Monasterio, care niya ba sa nabuhay na ugat, basta, she played for truth at she was just in the zone? Walang personalan, trabaho lang ito, sumakit man ang puson mo Derrick, bahala ka na dyan!