Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Angelica hirap magbuntis

0 127

NI: BETH GELENA

SOBRANG ini-enjoy ni Angelica Panganiban ang kanyang pagbubuntis.

Kamakailan ay nagbakasyon siya ng kanyang partner na si Gregg Homan sa Amanpulo, Palawan.

‘First family trip’ kung tawagin nila ang vacay .

First tìme kasing nagbakasyon sina Angge at Gregg mula nang magkaroon ng pandemya.

Tamang tama rin naman dahil first time na buntis si Angelica.

Kuwento ng aktres sa first three months ng kanyang pagbubuntis ay talagang hirap siya

“Medyo mahirap siya dahil ‘di ko talaga naiintindihan nangyayari sa katawan ko. Suka, iiyak, tatawa, mainit ang ulo. Para akong kinikiliti. Konting bagay na makita ko, pinagtatawanan ko ang babaw-babaw ng lahat. Lahat naamoy mo, totoo pala ‘yon. Lahat naririnig mo, kaunting galaw, ramdam mo.”

Pero, ini-enjoy naman daw lahat ng aktres ang kakatwang nangyayari sa sarili.

“Well, ini-enjoy ko talaga dahil ang tagal ko itong hinintay. Lahat ng mga kaibigan ko kapag may nabubuntis, ako ‘yung mahilig mag-interview kung ano ang pakiramdam ganyan. Tapos naa-amaze lang ako sa pagiging babae, parang ‘wow ang galing, mararamdaman ko kaya yan?’ So nu’ng dumating siya parang kahit mahirap ang pagsusuka, ini-enjoy ko lang. ‘Ah ganoon pala yon, ah totoo pala, akala niyo kayo lang ha,'” masaýang tsika ng aktres

Tahasan na bang iiwan ni Angge ang showbiz pagkapanganak niya?

“Siguro ngayon parang wala naman na akong kailangan pang i-prove na kailangan ko pa ring mag-work di ba? Pero siyempre kung may darating in the future [na work] matagal na matagal pa ‘yon doon lang siguro talaga. Pero napakatagal kong hinintay ito. At wala naman akong pinangaarap kung hindi maging isang ina. So ngayong dumating na siya, ito na ang role na gusto kong gampanan. ‘Yun naman muna siguro ang gagawin ko.”

“I’m sure naiintindihan ako ng mga boss, sobrang supportive nila sa akin. Napaka-suwerte ko na dumating siya sa tamang tao, sa tamang timing, tamang mga tao ang mga nasa paligid ko para intindihin at suportahan ako sa maganda, bagong journey at bagong chapter ng buhay ko,” dagdag pa ng aktres.

Sa ngayon wala.pang nababanggit si Angge regarding sa kung kelan sila magpapakasal.

Ang nasa isip niya right now ay how to become a good mom sa coming soon baby niya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.