Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Angelica ‘hiwalay’ na sa dyowa

0 4,888

Pagkatapos na ma-depress si Angelica Panganiban dahil sa lumolobong kaso ng COVID-19 sa NCR, hindi naiwasan ng aktres na ipahayag ang kanyang saloobin sa kanyang socmed account.

Sa Twitter, sinabi niya na kailangan niyang bigyan ang sarili ng pampasaya.

“San nakakabili ng flowers ngayon? Meron ba online? Kailangan ko bigyan ang sarili ko ng pampasaya,” emote niya.
Dahil sa hugot niya, umani ito ng iba’t ibang reaksiyon ng mga netizen.

May nakikisimpatiya sa kanyang nararamdaman at meron din namang nagbigay ng suhestiyon kung saan makakabili ng bulaklak.

Hindi rin nakaligtas sa pang-uurot ang aktres at hinahanap kung nasaan na ang boyfriend nito.

May ilan pang nang-iintriga na baka umano hiwalay na ito sa non-showbiz boyfriend dahil feeling nila ay matindi ang kalungkutan ng aktres.

Ito ang ilan sa mga komento ng matatabil na netizens.

Inhinyerong pinoy: “Flowers, laki ng problema m teng,

nahagawakan m parati hamdapwka pa ng flowers? e di online flower shop, no ba?!

Kuya sakalam: “Hindi po ba nagbibigay ng flowers ang new jowa mo Maam. Para may kilig. Kung malapit lang tayo at walang pandemya every weekend may flowers ka sa akin.”

Wendel: “Pag wala pa yung mag bibigay sayo , ikaw muna ang mag bigay sa sarili mo 🌼”
Janiel the Trader:”Hindi mo kailangan ng flowers, kailangan mo ng isang tao na may tunay na pagmamahal.”

Leave A Reply

Your email address will not be published.