Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Angelica humihirit ng closure kay John Lloyd

0 2,412

NI: ARCHIE LIAO

Kahit may bagong boyfriend na si Angelica Panganiban, iniintriga pa rin siya ng mga netizen . Ito’y dahil sa kanyang emote nang maging panauhin siya sa Pop Cinema on Cinema One.

Sey ng mga netizens, hindi pa rin daw tuluyang nakaka-move on si Angge sa exes na sina John Lloyd Cruz at Derek Ramsay lalo pa’t wala namang total closure ang naging hiwalayan niya sa mga ito.

Naging punto kasi ng diskusyon sa programa ang ginawang pang-iiwan ng karakter ni Toni Gonzaga kay Piolo Pascual sa pelikulang Starting Over Again.

Para sa kanya, kung mangyayari sa kanya ang ginawa ni Toni kay Piolo, deserved niya talagang humingi ng explanation.

“Oo naman, lahat naman tayo noh! Jusko ako nga hinanahap ko pa rin ‘yung explanation. Nakakabaliw ‘yun, di ba? ‘Yung ‘ano ba ang nagawa ko? Asan na siya, bakit nawala na lang?” ani Angelica.

Hirit pa niya, mahirap daw sa isang relasyon na basta na lang tinuldukan nang walang paalamanan.

“Kasi walang nag-i-explain tapos ipaiintindi mo na lang sa sarili mo… Parang ang hirap na ikaw lang and gumawa ng dahilan tapos iko-convince mo na sarili mo,” sambit niya.

Matatandaang ipinaalala noon ni Angelica sa mga magkarelasyon sa kanyang online show na importante ang closure sa isang relasyon.

Leave A Reply

Your email address will not be published.