Abante Tonite Interactive

Angelica ibinalandra ang ‘pag-ibig’ kay Piolo

By

‘Habang buhay kitang mamahalin’

10,328

KUNG merong well-loved na male actor sa local showbiz sa panahon ngayon, ito ay si Piolo Pascual.

Sa kanyang birthday noong Biyernes, January 12, bumati ang ilan sa mga female co-actors niya sa kani-kanilang mga Instagram walls.

Halos lahat ay may kilig factor sa kanilang mga post na nagpapatunay sa pagiging all-time no. 1 hunk ng Philippine Cinema si Piolo.

Nangunguna na rito si Angelica Panganiban na may selfie photo kay Piolo na kuha sa Japan.

@iamangelicap, “Happy Birthday hubby! Habang buhay kitang mamahalin. As in habang buhay kahit ayaw mo na, wala kang choice..@piolo_pascual”.

“Love forever” din ang mensahe ni Pokwang sa larawan nila nang aktor na nakakandong pa ang huli na kilig na kilig sa posisyon nilang dalawa.

@itspokwang27, “Happy birthday papa P!! @piolo_pascual mananatili kitang love kahit di mona ako love! Choozzzz…ang importante masaya ka!”

Mistulang nag-tribu­te si Jolina Magdangal sa dalawang throwback photo nila ni Piolo kasunod nang caption nitong “napakabait” na tao sa showbiz ang aktor.

@mariajolina_ig,” 2001 and 2016 parehong ASAP ang picture na yan. Isang napa­kabait na tao sa showbiz. ­Masaya kasama at masarap kausap. Never nagbago ang ugali nya. Happy Birthday TITO PIOLO!!! Mwaaahhh! @piolo_pascual day 12 of 365 greeting yung longtime friend., #PioloPascual.

Throwback photo rin ang pinoste ni Dawn Zulueta sa kanyang IG at ang tema ng mensahe nito ay magpahinga raw ito sa pagda-diet.

@dawnzulueta, “A #flashbackfriday pic with @piolo_pascual. They say you lose your me­mory as you grow older. I say forget about the past and live life to the fullest today. Start with ice cream. Happy Birthday, Dearest PJ! Pahinga ka muna sa fasting & diet.”

Throwback photo rin ang pinoste ni Ai Ai De Las Alas sa kanyang IG wall at pinasalamatan nito ang Kapamilya actor sa pagdalo nito sa kanyang kasal.

@msaiaidelasalas, “belated happy birthday PAPA P…thank you for your time sa kasal ko…GOD BLESS YOU MORE..ang bagets pa naten dito hehehe @piolo_pascual.”