Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Angelica imbyerna sa feeling close

0 262

NI: VINIA VIVAR

Halatang naimbudo (naimbyerna) si Angelica Panganiban sa isang netizen na nag-comment sa kanyang post kaya binara niya ito nang bonggang-bongga.

Nag-post kasi si Angelica sa kanyang Instagram account ng larawan kasama ang dalawang kaibigan habang nakasakay sila sa boat at nilagyan ng caption na “kaligayahan.”

Komento ng isang netizen, “WOW NAGEENJOY KAYONG TATLO AH! ISALI NIYO NAMAN AKO JAN KUNG PWEDE.”

Mukhang hindi nagustuhan ni Angelica ang “feeling close” na netizen kaya tinanong niya ito kung bakit naman kailangang kasama ito.

“Sino ka ba? Kaibigan ka ba namin jire? Bakit kasama ka? Please explain. FURTHER,” sagot ni Angge.

May isang follower na nag-comment na baka naman daw nagbibiro lang ang netizen at hindi na sumagot si Angelica.

Isa pang netizen ang tila nang-asar at nag-comment ng “ang liit ng mukha mo Ms. Angelica or malaki lang tlaga ung mga kasama mo?”

Sinagot din ito ni Angelica. “Nakakainsulto din at the same time,” reply niya.

Humingi naman agad ng dispensa ang netizen at sinabing joke lang ‘yun.

“Sorry mam, joke lang po un. Cute nyo pong tatlo,” anang netizen.

Leave A Reply

Your email address will not be published.