Abante Tonite Interactive

Angelica iniwasan si Carlo

By
0 221
tonite-imo-vinia-vivar

Abante Hiring – IT dep

Nakakagulat na in-unfollow ni ­Angelica Panganiban si Carlo Aquino sa Instagram account dahil lang sa mga basher. Bukod dito, sunod-sunod ang rant ni Angelica sa IG and Twitter account niya na obviously ay apektadong-apektado sa negative comment ng mga netizen.
Ipinost ni Angelica ang screenshot ng comment ng isang netizen na ganito ang sinasabi:
“Palagi kang ganyan. Aware kba sa ­impact na nagagawa niyan kay Carlo? Palagi siya ang dehado kakaganyan mo. Sarili mo ngang fans binabash at hinuhusgahan siya ng walang ebidensiya.
“Grow up angge. Pagusapan niyo yan ni carlo. Huwag mong idaan sa social media lahat. Minsan nakakduda rin if gaano ka kagenuine mag care for Carlo. Kung ano kinadaldal mo kinatahimik niya.
“Jusko parang kayo 13 14 ulit. Hoy 33 34 na kayo. Act your age.”
Sinagot ito ni Angelica na halatang apektado at aniya ay hindi na raw siya magsasalita from now on.
“Wow. Sa lahat ng na offend ko. Sorry. Hindi ko alam na may issue pala kayo sakin. From now on, hindi na ko mag sasalita. Huling caption ko na po ito.
“Kasi nakakahiya sa inyong mga nasaktan ko. Tama ka. Madaldal ako. So tatahimik na ko. I will act my age po.
“Sorry po. Hindi na kayo makakarinig ng kahit na ano sakin regarding carlo. Lalayuan ko na din para hindi na lang ako mahusgahan at hindi na po siya mahirapan sa sinasabi niyong ‘impact’ na ginagawa ko para madehado po siya. Happy po?
“Thank you. Sana po maintindihan niyo at mapatawad niyo ko. Pagod na din ako sa kanegahan at pake­kelam ninyo. Nasaktan na din ako. So tama na,” sagot ni Angelica.
Sunod-sunod din ang tweets ni Angelica sa Twitter account niya.
“Maayos naman samahan namin. Sinira niyo lang. sana masaya na kayo.
“Sana din matuwa idol niyo sa pagiwas ko sa kanya at malagay siya sa tahimik. Ako pala kasi sumisira sa idol ninyo. Enjoy 2019.
“Saan ba ko nag kulang? Pinapasok ko naman kayo sa buhay ko. Bakit kayo ­nananakit?
“Didistansya lang naman. Nababahiran na kasi ng ka-showbizan. Para sa ikakabuti na din ng lahat,” ang mga tweets ni Angelica.
At dito na nga napag-­alaman na in-unfollow na ng aktres si Carlo sa IG.
Nakapagtataka lang dahil hindi ang karakter ni Angelica ang mada­ling maapektuhan ng mga basher. In fact, ngayon lang siya namin nakitang ganito kasensitibo sa komento sa kanya ng mga netizen.
Kilala si Angelica na palaban at mataray sa showbiz. Madalas nga siyang maakusahang bully. Kaya parang nakakagulat na naapektuhan siya ng mga ganitong komento.

Antonio dinalaw si Wendell

Kahit sikat na ang bida ng “Onanay” na si Jo Berry, ­hindi maipagkakailang fan pa rin siya. Nakakatuwa ang IG post niya kung saan ay nagpa-picture siya sa mga idolong sina Wendell Ramos at Antonio Aquitania.
Dinalaw ni Antonio si Wendell sa set ng “Onanay” kaya naman sinamantala ni Jo ang pagkakataong ito para magpa-picture at pagkatapos ay ipinost niya sa kanyang IG account.
Caption niya, “Nagpapicture talaga ako don sa dumalaw sa set kahapon pinapanood ko silang dalawa sa bubblegang nung bata pa ako, parang di naman sila tumanda.”
Si Wendell ay gumaganap na Lucas Samonte sa “Onanay” habang si Antonio naman ay napapanood sa “Ika-5 Utos.”