Abante Tonite Interactive

Angelica ka-video chat ang bagong lalaki

0 2,036

NI: ROMMEL PLACENTE

MUKHANG in-love na ulit si Angelica Panganiban. May bago na ba siyang inspirasyon?

May pinost kasi siyang picture sa kanyang Instagram account na nakatalikod siya. May kasama rin siyang isang lalaki na nakatalikod habang nakatanaw sa ibaba ng isang gusali. Ito ay ang Burj Khalifa, ang tallest structure sa mundo sa taas na mahigit 2,700 feet.

Pero hindi kaya ito ay si Jared Leto na ka-video chat ni Angelica?

May napanood kasi kaming video na kausap niya si Jared. Nagpakilala siya rito bilang isang artista.

Nagkita ba sila sa Dubai nang mag-shoot siya roon ng movie with Coco Martin?.

Sa google ay makikilala si Jared bilang isang American actor at singer-songwriter, Gumanap na transgender woman sa Dallas Buyers Club (2013) na nagwaging Best Supporting actor sa Academy Award, Golden Globe Award at Screen Actors Guild Award. Lead vocalist siya ng bandang Thirty Seconds to Mars.

Komento ng mga netizen:

“Ermagerrrrdd Jared Leto!!! I’m a fan of his band 30 Seconds To Mars. Kainggit!!!”

“Wait, Angelica pronounced it as “Sur-yal” not “Soo-ril”? (surreal) Kahit ako din babaluktot ang dila at matatameme. Ampogi ni Jared Leto hindi tumatanda. Sighhh..”