Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Angelica kalma sa pagmamaganda

0 297

Bakit pag ang tabachingching princess Angelica Panganiban ang nagmamaganda, hindi mo makuhang mabanas? Juice colored! Kailangan pa ba naman sauluhin ang sagot sa katanungan na iyan? Si Panganiban ay buhay na patotoo sa kasabihang “kumikilos ayon sa kanyang ganda” dahil talagang hindi magpapakabog sa pagandahan ang mahusay na aktres.

Ang bagong patotoo sa kanyang kagandahan? Ang kanyang IG photo post na siguradong pag lumabas ang pitak na ito, baka more than half a million na ang likes and more superlatives ang mababasa sa thread para sa larawan. Siyempre, ang mga insekyora at inggitera, bashing at hating na wala namang magagawa at di rin nila ikakaganda.

Ang hanash: “Alam ko, gandang ganda kayo sakin.. KALMA.. kaarawan kasi nang nag ayos sakin niyan. (binati niya ang may kaarawang kaibigang glamour technician) mahal kita. Quarantine man o hindi, :)”

O, di ba? Kung ibang artistang babae ang kumana sa “gandang-ganda” at “kalma” tiyak ang collective bangs natin, nagdabog in a major way. Yung totoo? Dahil nga si Angelica ang kumuda, tapos ang kalakip pa ay larawang hindi mo pwedeng ismiran o pagtaasan ng bushy or one-line eyebrow mo. Wala kang K na kumana kasi devastatingly beautiful ang hitad.

Ano nga kaya ang susunod na kabanata para sa karera ni tabachingching princess? Saang network kaya siya makikita? Or will she stay put and be loyal sa Star Magic Kingdom at aasa na one of these days, may drama rin siyang mapapalabas sa Kapamilya Online Network?

Eh sa peilkula? Kailan kaya siya muling mapapanood?

Asa pa ba tayong magkaka-Filipino movie na maipapalabas sa sinehan anytime soon?

Kay Angelica Panganiban, push na push ang pagmamaganda mo tabachingching princess. Maganda ka talaga, ning.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Tony niregaluhan ng singsing si JC

Alam na nating lahat, mga sumusubaybay sa “Hello Stranger” na nasa finale episode na ito. Pumutok na rin ang chika na walang season 2 pero magiging pelikula na ang digital BL drama. Ang lanturan at pagmamahalang Xavier at Mico, na ang mga nagbibigay buhay sa katauhan ay sina Tony Labrusca at JC Alcantara.Nanalig talaga tayo sa different kind of love na meron ang XavMi.

Eh ano pa ang hindi natin alam? Dahil hindi naman lahat may Twitter, sa page ng Black Sheep, mababasa ang ilang bahagi ng sulat nina Labrusca aT JC para sa isa’t-isa. Pagalingan sila in expressing their feelings, huh.

Ang emote ni Labrusca: “Thank you for being there whenever Xavier needed you. Whenever Tony needed you. It was fun to get to know you the way Xavier got to know Mico, online. I didn’t know you before this project, only things I’d heard from other people. I was making my own picture of who you are, trying to get to know you better. You did such a great job, and I can’t imagine anyone else playing Mico. Thank you for being with me in every step of the way. Thank you for the right Mico for Xavier. Until then, I’ll see you soon.”

At ang counter say ni Alcantara: “I’m so grateful to work with you, and we’ve made so many memories during Hello Stranger that I will keep. I wrote here that I didn’t want this to end, but because there’s a movie, I’m excited. It was such a joy to work with all of you. I hope you remember that I’m always by your side if you have problems, and thank you for doing the same for me.”

Ano? Kaya pa ba?

Per my impeachable source, ang cutest thing ever na ganap sa fan conference, ang regalo ni JC para kay Labrusca ay pillow. Bakit nga kaya unan ang binigay ni Alcantara sa kanyang Xavier? Huggable like an unan ba si Alcantara? At ang meaning nito ay nais niyang siya ang makatabi talaga ni Tony sa kama on a forever is not enough basis?

Ang mas pampakilig na gift, friendship ring ang binigay ni Labrusca sa kanyang Mico. At si Tony mismo ang nagsuot sa palasinsingan ni Alcantara, added chika mula sa king IS. Juice colored! Paramg may semblance na of an “engagement” and “will you marry me?” ang bigayan ng mga singsing, hindi ba naman? Naku pag naging trend ang bigayan ng singsing sa mga magkakaibigang lalaki, alam niyo na kung sino ang may pasimuno.

Congratulations kina Tony Labrusca at JC Alcantara sa tagumpay ng kanilang BL serye. Naway mas maging matagumpay ang “Hello Stranger” movie at please, dapat may mala-glorious na laplapan na ang XavMi sa pelikula. Please!

Leave A Reply

Your email address will not be published.