Abante Tonite Interactive

Angelica kay Carlo: ‘Di siya nag-e-exist’

0 538

Nagsalita na si Angelica Panganiban tungkol sa online bashing na natatanggap ng kanyang ex na si Carlo Aquino kaugnay ng umano’y panggagamit nito sa aktres at pagpapasakay sa Cargel fans.

Hindi na kasi tinatantanan si Carlo ng mga netizen mula nang mag-viral ang photo nila noon ng rumored girlfriend na si Trina Candaza.

Dagdag pa nito, ipinagtanggol pa niya ito sa mga online bashers na ikinagalit ng mga fan nila ni Angelica.

Sey ni Angge, matagal na raw silang walang komunikasyon ni Carlo.

“Hindi siya nag-e-exist sa life ko ngayon e. Hindi kasi kami nag-uusap so wala akong alam sa mga nangyayari sa kanya,” aniya.

Gayunpaman, bukas daw naman siya sa pakikipag-usap sa ex tungkol sa paliwanag nito.

“Matagal ko nang hinihintay ‘yung explanation niya, sana matagal na niyang ginawa,” pahayag niya.

Matatandaang noong nagbalik-tambalan sila, inakala ng marami na totohanan na ang balikan ng dalawa, pero meron palang tinatagong girlfriend si Carlo.
Sa isang panayam, sinabi pa ng aktor, hindi na raw niya kailangan pang mag-explain nang mahaba tungkol sa issue.

Pero hindi pa rin daw nakatulong ang pahayag na ito ni Carlo para maibsan ang bashing sa kanya at sa kanyang non-showbiz girlfriend. (Archie Liao)