Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Angelica keri maging sugar mommy

0 107

Bagama’t hindi niya raw nakikita ang sarili niya na maging sugar mommy someday, ayon kay Angelica Panganiban, kung magiging masaya naman daw siya ay bakit naman hindi.

“Ako, hindi ko rin naman nakikita ‘yung sarili ko na. . .huwag naman sana, no? Ayokong magsalita ng tapos, di ba? ‘Yung parang pagtanda ko, eh magiging sugar mommy ako sa mga bagets. Parang oh my gosh,” natatawang pahayag ni Angelica sa isang online interview.

“Well, kung doon ako sasaya, why not, di ba? Kung marami akong pera, di go!” she added.

Pero syempre, mas gugustuhin pa rin niya ang makatagpo ng lalaking mamahalin siya nang tapat.

“Pero sana naman, talagang makatagpo ako ng love na talagang ‘yung mahal lang namin ang isa’t isa. Na hindi pera ‘yung gusto sa akin, di ba?” she said.

Pero hindi naman daw niya hinuhusgahan ang mga sugar mommies or sugar babies dahil mayroon daw talagang mga tao na ang love language ay magbigay ng mga material things.

“Kung ganu’n, eh di congrats. Saka dapat wise ka, dapat matalino ka, ini-invest mo ‘yung mga nakukuha mo, pinaghirapan mo ‘yun, di ba?

“So, para na rin siyang career, eh, ‘yung pagiging sugar baby. Kailangan wise ka, kasi parang baka walang forever du’n, eh,” she said.

Derek nilantad ang ex na minahal

Isa si Angelica Panganiban sa pinakamahahabang relasyon ni Derek Ramsay .Inamin ng aktor na dumating din sila sa punto na napag-usapan nila ang kasal.

“Did we ever really, really get serious about talking about marriage? We brought it up. But we never reached that point. But yes, we loved each other,” pahayag ni Derek sa kanyang exclusive interview sa Mega Entertainment online magazine.

SM food to go Banner Ad

Five years din daw ang kanilang naging relasyon at napakarami nilang magagandang memories.

“We were together five years. We were introduced and we’re from totally different worlds! And I guess that was what drew me to her. I was like, wow, this is something new! And this is something I’ve never experienced! And we had a lot of great memories. We traveled the world together,” he said.

Pero inamin din ng aktor na talagang nasaktan siya sa mga masasakit na salitang natanggap niya when the relationship ended.

“With Angelica, I guess we loved each other so much that when the breakup happened, and you’re hurt or you’re angry, you should be able to control that anger.

“Because a lot of things that maybe you don’t mean were said, that can really hurt your partner. And the stuff that was said about me really, really hurt me.

“But again, I guess what I learned is you just have to be understanding that you’re two different people. And you handle things differently,” pahayag ng aktor.

Pero dahil minahal niya rin naman si Angelica ay inintindi na lang daw niya ito at marami rin naman daw siyang natutunan sa ex-girlfriend.

“And, you know, minahal mo siya so intindihin mo na lang. So understanding is what I really learned from that relationship.

“Angelica, taught me so much. Yeah, she’s a very strong woman. She went through a lot in her life. Being in showbiz at such a young age, being the breadwinner. I admired that about her, bata pa lang she supported na her family. So that was something that really attracted me to her,” sey ng aktor.

Bukod kay Angelica kabilang din sa mga naging ex-girlfriend ni Derek sina Solenn Heussaff, Cristine Reyes, Joanne Villablanca at ang huli ay si Andrea Torres.

As we all know, may bago na ulit pag-ibig ngayon ang aktor sa katauhan ni Ellen Adarna.

Leave A Reply

Your email address will not be published.