Abante Tonite Interactive

Angelica magpapa-unli rice

321

True blooded Atenista si Kapamilya actress A­ngelica Panganiban. Katunayan, kapag krusyal games ng Ateneo, mapa-basketball o volleyball, ay madalas siyang makitang nanonood sa mismong venue.

Nito nga lang kakatapos na women’s volley finals ng UST versus Ateneo, nangako siyang manlilibre sa mga fellow Atenista fan sa isang restaurant na siya ang endorser. Ito’y kung magcha-champion ang Ateneo.

“Yes. Sa mang inasal. Invited kayong lahat,” retweet ni Angelica.

Eh ending, champion nga ang Ateneo kontra UST, sa isang pambihirang comeback win pa sa Game 3. Kaya sobrang saya ni Angge.

“Ganito na lang, ateneo side, tago niyo tickets niyo ha? 🙂 ayusin ko unli rice natin :)”

So sa mga may Game 3 tickets, alam na ha? Magpapa-unli rice na si Angelica! (Jun Lopez)