Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Angelica matagal mag-init

0 241

Dineklara noon ni Angelica Panganiban na huli na niyang teleserye ang “Walang Hanggang Paalam”.

Sa Boy Abunda Channel, naurot naman siya kung ano ang makakapagpabago ng isip niya na gumawa uli ng teleserye.

Aniya, kung siguro raw ay kailangang-kailangan at kukumbinsihin siya ng mga bossing na sina Sir Carlo Katigbak at Ma’am Cory Vidanes.

Dahil sa sagot niyang ito, nag-react ang ilang kibitzers.

Hirit nila, hindi raw pala nagsasalita ng tapos ang aktres.

May ilang namang mahadera ang nagsasabing parang gusto lang magpapresyo umano ng aktres.

Sa naturang panayam, naikuwento rin ng King of Talk ang pagiging slowburn ni Angge.

Ani Angge, aminado raw naman siya rito.

Si Direk Mae Alviar daw ang nagbansag sa kanya nito kasi pakiwari ng lady director ay kakaiba ang istilo niya.

Pag-amin ni Angelica, parang diesel daw talaga siya. Kumbaga, matagal daw siyang mag-init pero pag nag-init na ay swabe na ang dating.

Nagbalik-tanaw rin si Angge sa kanyang mga nagawang pelikula sa bakuran ng ABS-CBN at iba pang film outfits.

Kung may isang pelikula raw na pinanghihinayangan niyang hindi nagawa, ito raw ay ang pelikulang “Four Sisters and a Wedding” na tinanggihan niya.

Sa pelikulang “Here Comes the Bride,” na-challenge raw siya dahil akala niya ay hindi niya kayang magpatawa.

Sa pelikulang “Separada”, aminado rin siyang natakot siyang lamunin ng Diamond Star na si Maricel Soriano.

Hindi naman niya malilimutan ang pelikulang “Santa Santita” dahil ito raw ang naging transition niya sa pagganap ng mga mature na papel mula sa teeny booper roles.

Vicki ‘pinamigay’ ng ermat

Hindi ikinaila ni Dra. Vicki Belo na isa lamang siyang ampon.

SM food to go Banner Ad

In-adopt daw siya ng kanyang aunt at ng asawa nitong walang anak mula sa kanyang biological mom.

Kuwento pa ni Dra. Belo sa isang vlog, ikalima raw siya sa siyam na magkakapatid.

Sinabi raw ng kanyang ina noong ipinagbubuntis pa lamang siya na kung babae ang nasa sinapupunan nito ay ibibigay raw niya ito sa kapatid.

“Nung pinanganak ako, never akong hinawakan ng nanay ko,” aniya.

“In my head… parang ipinanganak ka pa lang, ipinamigay ka na,”dugtong niya.

Ito rin daw ang dahilan kung bakit ayaw niyang binabati siya sa kanyang kaarawan.

“So when I think of that since I have so many issues about adoption about not being good enough, about not being lovable… I don’t like to be greeted. Kasi, my mom and dad gave me on my birthday. Kaya,wala, bumabalik lang talaga ang pain. I just ignore… so the best gift that you can give me is not to greet me,”esplika niya.

Gayunpaman, thankful daw naman siya sa mga nakilala niyang mga magulang dahil binigyan siya ng mga ito ng magandang kinabukasan.

Tungkol naman sa kanyang anak na si Scarlet, ayaw raw niyang i-spoil ito.

Katunayan, noong nagbakasyon daw sila abroad, may pinabibili raw ito sa kanyang maraming laruan pero isa lamang ang binili niya dahil hindi raw niya bet na masanay ito sa luho.

Sa panahon ng lockdown , sarado ang kanyang clinic, tatlong bagay raw ang kanyang pinagkaabalahan: tiktok, podcast at vlogging.

Mas enjoy raw siya sa pagti-TikTok dahil naging daan daw ito para maipakita niya ang galing sa pagrampa at pagsayaw.

Tanggap din niya na marami siyang naging bashers sa pagti-Tiktok niya.

Pinagtsismisan din daw siya ng mga kakilala kung nawawala na raw ba siya sa katinuan kaya nahuhumaling siya sa TikTok.

May mga nagpayo rin sa kanya na hindi maganda sa imahe niya ang pagsasayaw sa Tiktok lalo pa’t may pangalan siyang pinangangalagaan.

Sa ngayon, stop na raw siya sa pagsasayaw sa naturang app.

Leave A Reply

Your email address will not be published.