Abante Tonite Interactive

Angelica may atraso kay Juday

By
8,293

Inamin ni Angelica Panganiban na may kasalanan siya kay Judy Ann Santos.

“May atraso ako rito kay ate, kasi nagmayabang ako, lumaki yung ulo ko. Kung anu-ano yung gusto kong patunayan sa buhay…pero yung ate, hindi siya nawalan ng pag-asa sa akin, kasi kahit ‘yung isang tao na lang ang nagku-connect sa amin, kinausap niya, and ‘yun ay si Ga (Direk Dante Nico Garcia). Siya yung nagsabi sa akin na “Puntahan mo ‘yung ate mo rito (sa isang lugar) kung talagang matapang ka” And then sabi ko, “Sige” Dun kami nagkabati.dun niya ako pinatawad.

“And simula nun. hindi ko na pinakawalan yun at hanggang ngayon, para bang parte na ng buhay ko, na patatawanin ko siya, yung pasasayahin ko siya. Yun ‘yung gusto ko. And pag nalaman ko na sad si ate, siyempre punta ako, ganun.

“Ngayon na-appreciate ko kung ano ‘yung gusto niyang ipakita, kasi yun pala ‘yung kaya niyang ibigay, kasi ganun pala siya magmahal. ‘Yun pala ang kaya niyang i-offer. So, ngayon, binabalik ko lang sa kanya kung ano ‘yung kaya kong i-offer sa kanya.

And ‘yung habang-buhay na pag­kakaibigan. I love you ate. At sana ito na yung simula na pag birthday mo, invited ako,” saad ni Angelica nu’ng magsalita siya sa surprise birthday party ni Juday na inihanda ni Ryan Agoncillo.