Abante Tonite Interactive

Angelica nagmaldita sa Dubai

1,848

tonite-imo-vinia-vivar
Sinagot ni Angelica Panganiban ang kanyang fan na nagsabing nadismaya ito sa kanya dahil sa nakabusangot ito nang dumating sa Dubai at hindi approachable.

Pumunta ng Dubai sina Angelica at Carlo Aquino para mag-promote ng pelikula nilang Exes Baggage.

Nagkomento ang isang fan sa Instagram post ni Angelica at ikinuwento ang karanasan ng kanyang mga kaibigan nang lumapit ang mga ito sa aktres para magpa-picture.

“Nag arrived siya kanina dito sa dubai,cguro para magpromote but then nung lumapit un mga friends ko para magpapicture e nagta­takip xa ng hood ng jacket nia at halatang pilit ang ngiti.

“Tapos nung palabas na siya ng airport e naka busangot na naglalakad at hindi talaga approachable.Halatang sinadya niya para di siya lapitan ng tao. Nakakadisappoint lang idol pa man din kita,” komento ng netizen.

Sinagot naman ito ng aktres at halatang imbiyerna siya although nagpapaliwanag naman kung bakit nga ganu’n ang kanyang naging behavior.

“Sa susunod na flight, kahit wala akong tulog, ikaw una kong lalapitan. Kasama friends mo. Hindi ko tatakpan hair ko, para oily. Para mukhang pangit ako. Para makita insecurities ko. Okay yun?” ang sagot ni Angelica.

Sinundan pa ng aktres ang kanyang komento na halatang bwisit pa rin.

“Gusto ko din pala magpa picture sayo. Pero may twist. Gawin mo yung ginagawa ko, yung acting na ganun sa pelikula. Kapag nagawa mo, t*ng*na, tara. Bestfriend na kita.

“Tapos may soap opera at sitcom in between. May promo din yan ha? Kanta kanta at sayaw ka din sa Showtime, asap, … okay ba? Free schedule mo sa March 9 pa. Sa March ka pa matutulog. Tara?”

Sa totoo lang, hindi madali ang trabaho ng mga artista at dapat maintindihan ito ng fans na ang tingin yata sa mga celebrity ay robot o manikang de susi na anytime na gusto nilang patawanin at makapagpa-picture ay puwede.

Karen pinaghahandaan ang Miss Intercontinental

Nakapanayam namin si BB. Pilipinas Intercontinental 2018 winner na si Karen Gallman sa nakaraang press launch ng 47th Miss Intercontinental na ginanap sa Conrad Hotel at aniya, talagang puspusang paghahan­da raw ang ginagawa niya ngayon para sa pageant na gaganapin sa Enero.

Masaya si Karen na dito sa bansa gaganapin ang Miss Intercontinetal na dapat sana’y sa Japan pero dahil sa kawalan ng venue because of the Olympic Games ay inilipat na ito sa Maynila.

Ayon kay Karen, at least daw dito ay makapapanood ang mga relatives niya na nasa Bohol. Ang parents naman niya na nakatira sa Australia ay lilipad ng ‘Pinas.

Sa nasabing press launch ay na-meet ni Karen ang reigning Miss Intercontinental 2017 na si Veronica Salas Vallejo of Mexico na first time niyang nakita in person.

“She’s charming, she’s lovely. I’m not surprised why she won, she’s really, rea­lly nice and down-to-earth,” sey ni Karen.

When asked kung sino ba sa mga beauty queens natin ang iniidolo niya at gustong sundan ang mga yapak, she named Venus Raj, Shamcey Supsup and Pia Wutzbach.

“Mabait si Venus Raj and she started the whole like paingay ng Binibi­ning (Pilipinas), eh. She’s one of my favorites. Also si Shamcey, kasi there’s substance behind her beauty, she’s very intelligent. And also Pia, that girl is amazing, her dedication and the hardwork she put it, talagang 3x sumali sa Binibining, that’s really incredibly hard to do and she did it, she won.

“Those three, I think, would be my favorite,” saad ni Karen who is half-Pinay and half-Australian.

Gaganapin ang 47th Miss Intercontinental sa January 26, 2019 sa pakikipagtulungan ng Department of Trade and Industry. Lalahukan ito ng mahigit 80 kandidata na kumakatawan sa kani-kanilang bansa and hopefully, makuha ni Karen ang title.

Samantala, bukod kay Karen at sa reigning Miss Intercontinental 2017, present din sa press launch ang ng CEO ng Miss Intercontinental Organization Detlef Tursies, CEO ng Miss Intercontinental Japan na si Kumi Miyamae, at Miss Intercontinental Japan 2018 na si Akari Maed.

Ayon kay CEO Joanna Miyamae, aside from the final pageant on January 26, 2019, magkakaroon daw ng pre-pageant event called Filipiniana Night kung saan ang lahat ng international candidates ay magsusuot ng Filipina formal dresses/gowns.

Kaya naman tinatawagan nila ang lahat ng Filipino designers­ sa bansa na lumahok para bihisan ang ating mga kandidata.

“The designer of the winning Filipiniana gown design will receive a plaque of appreciation and US$1,000.00 cash prize,” pahayag ni Miyamae.