Abante Tonite Interactive

Angelica nagpaparamdam na buntis?

535
tonite-imo-vinia-vivar
Kahapon ay may tweet na naman si Angelica Panganiban na sen­yales na parang gusto na niya talagang magkaroon ng sariling pamilya.
 “Gusto kong bumili ng crib this year. Yung white. Para neutral,” tweet niya.
Matatandaaang last January 1 ay nag-tweet si Ange­lica na gusto na raw niyang mag-asawa this year na ikinagulat ng kanyang mga fan.
Wala pa nga naman siyang ipinakikilalang bagong boyfriend sa publiko, mag-aasawa na siya?
Pero ang dami rin namang na-excite at pinaka-natuwa yata ay ang mga fan nila ni Carlo Aquino (CarGel) na noon pa ay nagwi-wish na sana ay magka­balikan sila.
Biro tuloy sa kanya ng mga CarGel sa bagong tweet niya, sagot na raw nila ang crib.
 “Sagot n ng buong cargel fans ang crib na yan mom pati binyag lahat2 hahaha magkatotoo lang yan hahahahhaa,” sey ng isang fan.
May nagtaka naman at nagtanong kung bakit ganito ang mga tweet lately ni Angelica. Nagtatanong din ang iba kung buntis ba siya.
Ang nakakatuwa, may nagtanong din kung irere­galo raw ba nito ang crib na hindi binanggit kung kanino pero alam na alam mo naman kung sino ang tinutukoy – walang iba kundi sa ex-boyfriend niyang si John Lloyd Cruz.
Pero may isang netizen na naka-gets ng mga tweet ni Angge (tawag kay Angelica) lately.
“Nawindang ang lahat s nauna mong wish gusto m ng mag pakasal this year nsundan ng gsto m mg crib this year dn. Ngaun k lng n gets! Sn monday n pr alam nrin nl kung bakit? I love you angge,” reply ng isang fan.
Well, kung ano itong tinutukoy na ito ng fan, abangan na lang natin.
Nilinaw ni Heart Evangelista sa mga netizen that she’s not preggy tulad ng inaakala ng mga ito.
Nag-post si Heart sa kanyang IG account na may sik­reto raw siya at for now ay hindi muna niya sasabihin.
 “I’ve got a major secret and I can’t wait to tell you about it! I’ll keep my lips zipped for now,” saad ng post ni Heart.
Ang daming nag-comment at nagtanong kung buntis na ba siya ulit. They are all happy for Heart at ­excited na raw sila.
Pero sinagot ito ni Heart at sey niya, “I am not pregnant.”
Pero nakakatuwa naman ang mga netizen and followers ni Heart na talagang nag-aabang ng muling pagbubuntis ng aktres. They’re all wishing na sana raw ay magka-baby na agad ito soon.

Kate, Mikee matindi ang away

Ayon kay Kate Valdez, talagang pinaghandaan pa nila ang first episode ng “Onanay” for 2019 kung saan ay nagkaroon sila ng matinding confrontation scene ni Mikee Quintos.
 “Kinunan namin ‘yung eksena, sigu­ro naka-tatlong rehearsals kami,” kuwento ni Kate sa “24 Oras.”
 “Para ma-clear kung ano ‘yung gagawin, tapos sinasabihan kami bago mag-take na walang magkakasakitan. Kung magkakasakitan, it’s okay, it’s part of your work, pero ganu’n talaga,” sey pa niya.
Si Kate ay gumaganap na Natalie sa “Onanay” habang si Mikee naman ay ginagampanan ang papel na Maila.
Nalalapit na ang pagtatapos ng “Onanay” kaya wish ni Kate na magkaroon ng mas mahabang oras sa kanyang pamilya dahil naging busy nga siya noong nakaraang taon sa serye.
“More time sa fami­ly ko lalo na sa Mama ko. Kasi, ‘pag sa work minsan, wala na kaming time mag-chikahan. ‘Pag uuwi ako, maliligo lang ako ‘tapos matutulog na ko, magbabasa ng script. Actually, ganu’n lang. Hindi na kami masyadong nag-uusap, ng daddy ko, sister ko kasi, ang schedule ko, one week tuloy-tuloy ang rehearsals, sa ‘Studio 7’ and stuff,” sey niya.
Naging emosyal ang Kapuso actress as she talked about how lucky she is sa pagkakaroon ng inang ka­tulad ng mommy niya.
“I’m so lucky and blessed kasi I think hindi ko kaka­yanin ‘pag wala siya. Hindi ko ma-imagine ‘pag wala ‘yung mom ko sa tabi ko kasi sobrang laki ng belief niya sa ‘kin,” she said.