Abante Tonite Interactive

Angelica nagpasaring: ‘Gamit na gamit niyo na ako’

By
4,862

Marami ang nagtatanong kung sino ang pinatamaan ni Angelica Panganiban sa kanyang Instagram story na “Grabe din ah… Gamit na gamit niyo na ako. Hanep. Grabe. Ay. Grabe talaga.”

Para kanino raw ang pasaring na ito? Sa ex daw ba niya? Sa tatay ng ex-screen partner? sa mga basher, sa nagsabing diumano’y bad influence siya o sa sarili niya na la­ging bigo sa pag-ibig?

May netizen rin na nagpapayo kay Angelica na iwasan o magpahinga muna sa social media dahil toxic ito sa kanya. Huwag munang humanash at humugot. Hanapin daw ng ‘Banana Sunade’ star ang simpleng kaligayahan. Mag-travel ulit dahil hindi lang lovelife ang magpapasaya sa kanya.

Maricris ‘di kinagat ang audition sa international project

Dapat talagang humataw si Maricris Garcia dahil siya na lang ang naiwan sa dating Kapuso trio na La Diva. Si Jona ay namamayagpag na sa ABS-CBN samantalang si Aicelle Santos ay nasa UK tour ng Miss Saigon.

Nu’ng Araw ng Kalayaan ay nakibahagi sa pagdiriwang si Maricris sa Bago City Negros Occidental bilang kinatawan ng GMA Regional TV.

Si Maricris din ang ­kumanta ng The One That Got Away’s ‘I Know You’re There.’ May ­sarili rin siyang version ng kantang ‘Mundo’, a song made popular by OPM band IV of Spades ng GMA Play­list.

Napapanood din nga­yon si Maricris sa GMA Telebabad series na The Cure nina Jennylyn Mercado at Tom Rodriguez.

Nag-produce rin siya ng kanyang first major solo concert sa September na gaganapin sa Teatrino bilang 11th anniversary niya sa showbiz.

Isang taon na ring kasal si Maricris sa asawa niyang businessman na si TJ Cruz.

Aminado ang singer-actress na nag-iba ang kanyang priorities simula nu’ng mag-asawa. Hindi niya kinagat ang offer na mag-audition sa isang international pro­ject noon dahil bagong kasal lang siya at gusto niyang bumuo talaga ng pamilya at magkaanak. Nanghihinayang siya sa posibleng oportunidad sa ibang bansa pero kaila­ngan niyang mamili.

Kaya rin niyang isakripisyo ang career pag nabuntis siya pero sinisiguro niyang babalik din.

Umaariba ngayon si Maricris kasama ang ilang GMA Artist Center talents/singers na sina Rita Daniela, Nar Cabico, JBK, at T.O.P.

Kung napapakinggan ang ‘I Know You’re There’ ni Maricris ganoon din ang kanta nina Rita na ‘Hanggang Ngayon’; Nar sa kanyang self-written song ‘Natapos Tayo’; The Millennial Trio JBK (composed of Joshua Bulot, Bryan del Rosario, and Kim Ordonio) para sa ‘Letting You Go’; at ang T.O.P (Top One Project) para sa awiting ‘Nasa Dulo.

Talbog!

Joyce Ching, sino ang kakampihan kina Megan at Katrina?

Mukhang hindi pa matatapos ang pamamayagpag ng ‘The Stepdaughters’ sa TV ratings, huh! May twist na naman kasi silang inihanda para sa mga viewer. Sa mga nakamiss na makita ang Kapuso actress na si Joyce Ching on TV, hindi na dapat pang mag-alala dahil mapapanood siya sa well-loved GMA Afternoon Prime series.

Naku, siguradong mas magiging kapana-pa­nabik ang hapon ninyo sa pagpasok ng kanyang karakter as Grace. Balita namin, mas titindi pa raw ang giyera nina Mayumi (Megan) at Isabelle (Katrina).

Tanong tuloy ng mga follower ng programa, ano kaya ang magiging papel niya sa buhay ng mortal na magkaaway? Kakampihan ba niya ang isa sa kanila o mas pag-aawayin pa niya ang dalawa?

Sunshine Dizon may pasabog sa ‘Kambal, Karibal’

Pasok sa top-rating GMA series na Kambal, Karibal ang mahusay na aktres na si Sunshine Dizon bilang Maricar, ang tunay na ina ni Cheska (Kyline Alcantara). Magkahalong gulat at saya ang nararamdaman ngayon ng mga viewer dahil isa na naman daw twist ang ginawa ng Kapuso network.

Pagkatapos ng Ika-6 Na Utos, sigurado raw pasabog na naman ang hatid ni Sunshine sa pagpasok niya sa primetime soap. Ano kaya ang epekto ng pagdating ng kanyang karakter sa buhay nina Geraldine (Carmina Villarroel), Crisan (Bianca Umali), at Cheska?