Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Angelica nakilala ng dyowa sa sexy magazine

0 146

VLOGGER na rin ang magpartner na sina Angelica Panganiban at Gregg Homan.

Pinanood namin ang kanilang vlog na simply titled ‘The Homans’.

Ayon sa actress first time niyang gumawa ng vlog.

Mahiyain daw kasi si Gregg, pero napapayag din niya.

May mga katanungang inihanda ang couple na kinuha ni Angge sa kanyang socmed account

Unang tanong ay kung papano nagkakilala ang dalawa.

Ayon sa aktres, nagsu-shoot sila nang ‘Huwag Kang Mangamba’ nu’ng 2018 sa Subic.

Dapat daw ay magmi-meet sila pero hindi natuloy dahil nasa New Zealand daw that time si Gregg.

Aniya pa, “parang hindi siya interesado sa akin.”

“It’s not like that… a matter of some business to hold,” sey naman ng non-showbiz partner.

“Pero, alam mong artista ako?”

“No?But I seen you na sa mga magazine…. mostly sa sexy magazine,” sambit nito na ikinatawa ng aktres, sabay sabing “alam na kung ano ang ginagawa.”

Patuloy ng aktres, 2020 raw ay nagkaroon na sila ng chance magkita.

“Nasa Subic uli kami nun para mag-shoot ng HKM. Actually, si Cherry Pie Picache ang talagang may kilala kay Gregg. Pilit niyang sinasabi na makipagkita na ako kay Gregg. So ayun first meet namin sa Lighthouse. Okey naman ang first meeting namin.

Magaan naman daw kausap si Gregg kaya nagkasundo sila.

Na-appreciate raw niya ang ginagawa ng businessman-boyfriend.

New Year 2021 nang isapubliko nina Angge at Gregg ang kanilang relasyon.

Kung may napipisil na raw ba silang grandparents ng kanilang coming soon baby.

Ani Angelica, mga kaibigan daw nila ni Gregg.

Sina Glaiza de Castro at Eusebio Ketchup ang ilan sa nabanggit ng aktres samantalang may tatlo ring pangalan na sinabi si Gregg.

Saka na lang daw nila sasabihin kung sino pang ibang ninong at ninang ng kanilang baby.

Samantala, binanggit din ni Angelica na ang pinaglilihan niya ay ang partner na si Gregg.

Mawalay lang ito sa kanyang paningin ay hinahanap-hanap na niya.

Ani Gregg, “sana makatulong itong ginagawa mo para hindi ka na hanap nang hanap sa akin.”

May napansin lang kami, may pagkakahawig si Gregg sa ex ni Angge na si John Lloyd Cruz.

The way he talks, boses at sa dress up ng casual dress at maging sa pag-upo ay parang si JLC ang aming nakikita.

Isa pa ay nu’ng nagkaroon ng bigote si Lloydie, Gregg na Gregg ang katauhan niya.

Naku, Angge, wag kang magagalit ha!’Yan naman ay aming obserbasyon.

Leave A Reply

Your email address will not be published.