Abante Tonite Interactive

Angelica nakipagtarayan sa babaeng nameless

By
0 212

tonite-diva-chronicles-alwin-ignacioSi Angelica Panga­niban ay in a warpath. Talagang may madamdamin itong post para sa isang The WHO.

Walang duda na may nasaling ang babaeng The WHO sa pagkatao at pagka-babae ni Panganiban kaya may aria siya para rito.

Ang hanash ni Ange­lica para sa babaeng The WHO: “Alam mo kung sino ka. Alam mo din ang mga sinabi mo. May mga nagawa ako noong bata ako, na hindi ko mapagmamalaki. Na­ging matabil ako. Nagsasalita ng hindi nag-iisip. Kaya, naisip kong magbago. Yung kahit anong nangyari sayo, wag na wag kang magsasalita ng masakit laban sa ibang tao. Lalong lalo na sa kababaihan. Hindi natin dapat hinihila pababa ang isa’t-isa. Wag kang manakit ng tao. Lalo na at wala akong ibang pinakita sa inyo kung hindi kabutihan. Lalo na sayo. Hindi kita kapamilya o kaibigan, pero kahit minsan hindi kita binastos, o kahit na sino sa inyong nagmahal sa kanya.”

Abante Hiring – IT dep

Sa aria ni Panganiban, sa isang unknown entity na itatago natin sa pa­ngalang “Margaux” naka-address ang aria. May babaeng tisayin rin na nakalakip sa hanash ni Angelica.

Wala akong pakialam masyado sa The WHO kasi nga forever is not enough ang pagiging The WHO nito. Mas mausisa akong malaman kung sino si “kanya” na binanggit ni Angelica sa kanyang hanash.

Ang kanya na tinutukoy niya ba ay si Carlo Aquino? Pakiwari ba ni Angelica eh “ginamit” lang siya nito at ang pakitang tao lamang ang pagiging magiliw at malambing?

Dahil sa “seemingly pagbabalikan” nila, patok na patok ang kanilang pelikulang pinagsamahan at naging bida rin sila sa isang patalastas. Isinama rin si Aquino sa morning drama ni Angelica.

Kung bakit ganito ang nangyari sa kanilang dalawa, kung may invisible war man, at kung ang katotohanan nila ay “we are not even lover and now, we are not even friends,” tanging sina Angelica at Carlo lamang ang may kasagutan.
Sa mga babaeng patuloy na inaaglahi ang aktres, kaunting preno naman sa mga sinusulat. Kumilos tayo ayon sa ating ganda.

Heart may international movie

Ang diva that you love, walang pagkahibang at mas lalong walang pagkatuliro sa katotohanang si Heart Evangelista ay kasama sa isang international movie.

Sabi ni Love Marie Ongpauco-Escudero sa isang panayam, sa Set­yembre pa ang promo sa international motion picture na kasali siya. Ang kanyang lambing at dasal, na mapalabas sa mga sinehan dito sa ating bansa ang nasabing pelikula kung saan “sob­rang hirap” ang pang-uri niyang ginamit para ila­rawan ang kanyang karanasan.

Go for gold rin ang paglipad niya pa-Amerika kasi nga may isa pa siyang international movie na gagawin. Masaya ang babaeng sakdal ganda sa mga oportunidad na dumadating.

Iba rin talaga ang suwerte ni Heart, huh! Busilak kasi ang pagiging mabuti at mabait kaya ang mga artistic expression niya, mas napapakinabangan at marami ang inspired dahil dito.

Wala munang tele­serye si Heart at mapapanood siya sa muling pagbabalik ng “StarStruck.”

Comedian hinahabol ang hininga sa video

Hindi kami malapit sa isa’t isa. Hindi kami magkakilala. Sa TV at sa pelikula ko lang siya pinapanood. Pero kahit ganu’n, nabig­la at ngayon ay may lungkot na nadarama sa biglaang pagpanaw ni Chokoleit. Isang bakla na naman ang nalagas na sa true lang, mara­ming mga tao ang pinasaya at pinatawa.

Sana rin, ihinto na ang pagbabahagi sa huling performance video niya kasi it is so painful to see na he was catching his breath and holding on to his dear life. Hindi iyan ang imaheng dapat ma­iwan sa mga tagahanga at mahal sa buhay ni Chokoleit.