Abante Tonite Interactive

Angelica naloka sa taxi driver

881

Alone time ang drama ni Angelica Panganiban ngayong Holy Week.

Sa New York um-aura si Angelica na walang kasama dahil gusto raw nitong mapag-isa ngayong Semana Santa.

Ang dinig namin ay one week doon sa NYC si Angge, tapos ay pupunta yata siya ng LA after. Sa May 1 pa raw ang balik nito sa ‘Pinas.

Abante Hiring – IT dep

Nakaplano na ang biyaheng ito ng Kapamilya actress pagkatapos ng daytime serye niyang “Playhouse.” Sa “Banana Sundae” ay nakapag-one month advance taping na rin pala sila.

Unang pinanood ni Angge pagdating niya ng New York ang play na “King Lear” na pinagbibidahan ng ‘the best actress alive’ na si Glenda Jackson.

Galing ng Japan si Angelica at nanood muna ng John Mayer concert sa Tokyo bago nag-Amerika. Naka-bonding niya roon ang “Playhouse” co-star niyang si Maxene Magalona, na ka-join sa Japan ang hubby nitong si Rob Mananquil.

First time naka-experience ng sakura ni Angge, tapos ay nag-Dalagang Pilipina Tokyo edition pa sila ng sizzy niyang si Maxene doon sa Shibuya.
Kalerky ‘yung kuwento niya sa Twitter na umabot siya sa flight niya pa-US, pero umikot daw sa freeway ‘yung taxi na sinakyan niya sa Japan.

“Masakit lang batok ko at may bukol. Pero ang importante, ligtas kami ni kuya driver. Nagtaka lang ako, pinagbayad pa niya ako kahit muntik na kaming mamatay,” tweet ni Angelica.

Sa NYC ay pinag-tripan ng 32-anyos na aktres ‘yung bedtime stories feature sa phone ng kanyang hotel. Sinubukan niya ito at bet niya sanang pindutin ‘yung option na ‘paint the town red’ pero nasyokot siya at hindi itinuloy.

5:00 AM ay nag-crave siya ng Gray’s Papaya hotdog at sumugod siya sa labas kahit umuulan. Mag-isa rin siyang umiinom doon during happy hour.

In fairness ay masarap din kasi talaga kasing mag-‘me time’ sa New York dahil hindi ka mabubugnot sa dami ng puwedeng gawin.

Mukha namang saya-sayahan si Angge at ine-enjoy niya ang quiet moments niya roon na waley siyang kasama at soloista ang beauty niya.

Benta ‘yung tweet niya na, “Sa America, hindi mo kailangan ng dating app. Dito na ako boboto. Afam naman tatay ko.”
***

Sanya sapaw sa Lenten vacay nina Barbie, Jak

Nasa Japan na ang JakBie para sa kanilang Lenten vacay. Kasama ng mag-sweetheart na Barbie Forteza at Jak Roberto ang kanilang forever third wheel na si Sanya Lopez.

As in pagka-pack-up ng JakBie sa taping ng “Kara Mia” ay go na agad sila ng airport para sa kanilang early flight.

Ito ‘yung tsinika sa amin ni Jak nu’ng presscon ng “Kara Mia” na matagal na raw nilang pinaghandaan ang kanilang Japan trip, na sila lang this time, wala ang parents ni Barbie, but with Sanya of course.

Parang may travel fund talaga ang JakBie na hindi nila ginagalaw para ‘pag may biyahe sila ay doon nila kukunin ang kanilang panggastos.

Sa Osaka ang first stop nila at kahapon ay nag-Ichiran Ramen agad sila pagdating.

Nagpiktyur-piktyur na rin ang Kapuso lovebirds sa may Glico man sa Dotonbori.

Aabangan namin ang Japan vlogs ng ‘bida-bida siblings’ na sina Jak at Sanya. In fairness ay nakakaaliw ang magkapatid, na dumagdag pa si Barbie, so mas nakakatuwa silang panoorin.

Pagdating pa lang ay nagkakantiyawan na ang magkuya. Sabi ni Jak, dati ay Bulacan at Laguna lang ang nararating ni Sanya, ngayon ay pa-Japan-Japan na ito.

Bongga nga pala ang mga ganap ngayon sa “Kara Mia” dahil nagkapalit na ang puwesto ng magkapatid. Sa tuwing nagdidikit sila sa umaga ay si Barbie na ang nasa likod at si Mika dela Cruz na ang nasa harapan.

Mas may upper hand na ang malditang si Mia, so kayan-kayanan nito ngayon si Kara.

Mukhang bet ng Kapuso fans na nag-aaway ang dalawa at meron nang Team Kara at Team Mia!