Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Angelica napikon sa kasal

0 300

NI: ARCHIE LIAO

Nagpahayag ng disgusto si Angelica Panganiban sa kanyang online show na “Ask Angelica” sa mga nagtatanong kung kelan siya pakakasal.

Hindi niya naitago ang kanyang pagkapikon sa nasabing programa.

Aniya, puwede raw namang maging fulfilled ang isang tao kahit wala siyang romansa sa katawan.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Dugtong pa niya, mas importante na buo ang isang tao bago siya pumasok sa isang relasyon.

“Batuhin mo yung mga taong nagtatanong ng ganyan. Sabihin niyo, ‘Kayo, kelan kayo gaganda?’
“Bakit niyo gusto ang isang tao magkaroon ng partner, e, nakikita mo naman na buong-buo siya by herself?
“Talaga ba? Kailangan ba talaga ng lalake o ng babae sa buhay mo para lang masabing kumpleto ka?
“E, di ba nga, dapat buo ka bago ka makipagrelasyon sa iba, dahil kung hindi, hindi rin naman kayo magiging masaya?,” hanash niya.

Dahil dito, nag-react ang mga netizen at sinabing tila na-trauma na raw ang aktres sa pakikipagrelasyon.

May mga nagkomentong baka raw press release lang o ilusyon ang napapabalitang romansa nito sa isang foreigner.

Matatandaang naiintriga rin si Angelica sa kanyang “Walang Hanggang Paalam” co-star na si Zanjoe Marudo.

Leave A Reply

Your email address will not be published.