Abante Tonite Interactive

Angelica proud kay Vico

0 1,911

Hindi napigilan ni Tabachingching Princess Angelica Panganiban na magpasalamat sa kanilang Mayor Vico Sotto sa Twitter.

Ang emote ng Hugot Queen para sa Philippines’ most talked about mayor; “Sa Pasig parang nasa ibang bansa na kami dito. Salamat Mayor Vico! Sana ma inspire ang iba. May posisyon o wala. :)”

Awww….hindi ba sweet-sweetan ang appreciation tweet na ito ni Panganiban. Wala akong katiyakan kung may account rin si Vico sa nasabing social media site kung saan ipinahayag ni Angelica ang kanyang pasasalamat.

Ang alam ko, sa Facebook siya mas active at ang FB ang kanyang site for social media engagement kaya kung mag-re-react ang Pasig City mayor sa pasasalamat ni Panganiban, iyan ang kaabang-abang na susunod na kabanata,

Kung sakali namang nasa Twitter rin ang butihing mayor at sumagot kay Angelica, ay tiyak happy fiesta ang lahat. Marami tiyak ang kikiligan. Marami ang magbubunyi. Marami ang aasa lalo na kung hindi lang cordial at polite ng kanilang magiging exchanges.

Parang seryosong binata kasi si Sotto. Kwelang dalaga naman ang tabachinching princess. Is this a case of opposites attract kaya? Kung ang mga Pulis Pangkalawakan ba ay sasang-ayunan ang isang pagkakakamabutihan sa pagitan nina Angelica at Vico, parang walang namang masama, hindi ba naman?

Parang si Panganiban ang babaing magpapahalakhak kay Sotto in a major, major way. At si Sotto naman ang magtuturo kay Angelica ng mga seryosong bagay-bagay sa buhay.

Si Angelica na nga kaya na maging bebe ko ni Vico? Wow! Walastik at pantastik iyan pag nagkataon!

Video nina James, Nikko pamatid-uhaw sa tagtuyot

Ngayong damang-dama na natin ang dry season, tiyak maraming kababaihan at sangkabekihan ang ma-wet, wet, wet kay Nikko Natividad.

Bakit kaniyo? Aba ang Hashtag member, may work-out bidyo lang naman in the vicinity of his bahay na in full display ang kanyang katawang pang-romansa na lean at mean at yes oh yes, boxer shorts lamang saplot.

Andiyang siya ay nagju-jumping jacks, running in place, bumuhat ng barbel at ang nadagdag naman ng cuteness overload. Para naman mabawas-bawas ang elya factor, kasama niya sa kanyang workout ang little boy.,

Sa mga bet na bet naman ang mga papable papa, tiyak wet, wet, wet rin ang inyong mga panty shield.

Samantala,may kung anong pumuslit sa inyong mga kaibuturan sa work out bidyo rin ni James Blanco.

Sa bidyo, hubad baro at veiled in sexy pawis si Blanco kung saan sa una, siya ay nagpu-push ups kaya kitang ang nagngagalit niyang braso, tapos tatayo tapos tatalon.

Juice colored! Ang kinis-kinis pala nitong si James .Kahit pawisan parang ang bango-bango at ang tsalap-tsalap pa rin.

Sa true lang, mas gugustuhin kong malibang at mag-init dahil sa mga bidyo nina James Blanco at Nikko Natividad kesa mag-init ang ulo kay Koko.