Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Angelica pumalag na walang puwet

0 87

Ang daming nag-react sa ipinost ni Angelica Panganiban na larawan niya wearing pink jogging pants and sexy sando. Of course, ito ay post of support para sa Presidential candidate na si Leni Robredo.

Siyempre pa, pinusuan ito ng mga maka-Leni pero may mga nang-bash din at binanatan ang kanyang katawan.

“Where is the curve?” tanong ng isang netizen.

Komento naman ng isa, “wala ng wetpu naubos n ng mga xxxx.”

Sabi pa ng isang basher, “nakakawala ng pwet ang pink” at dito ay hindi na napigilan ni Angelica ang sumagot.

“Kesa naman ng dignidad,” resbak ni Angelica.

Kinuyog din naman ng mga supporters ng aktres ang mga basher at umapela na tigilan ang body shaming.

Bea, Marian sanib-puwersa ikakasa

Looking forward na si Bea Alonzo na makatrabaho sa GMA-7 si Marian Rivera. Pag-amin nga niya sa interview niya sa Unang Hirit aired yesterday, may naisip na nga raw siyang concept para sa kanilang dalawa.

“I actually have a concept in mind, ikukuwento ko na lang sa mga bosses. For me and Marian sana,” sey ni Bea.

Bukod kay Marian, gusto rin daw niyang makatrabaho ang mga younger actors sa GMA.

“I’m also looking forward to working with Kapuso stars that I’ve never worked before, even the younger ones like sina Ruru (Madrid), sina Derrick (Monasterio),” aniya.

Ibinalita rin niyang tuloy na tuloy pa rin ang movie nila ni Alden Richards.

“Dapat ngayon, nagsu-shooting na kami kaya lang nangyari nga ‘tong mga lockdowns, and then, siyempre, ‘yung mga schedules namin nadelay especially because Alden is doing a soap opera with Jasmine (Curtis) which I watch.

“Na-delay lang kami nang na-delay, but of course, it’s still pushing through. I’m very excited about it,” ani Bea.

Napag-usapan din ang tungkol sa love life at natanong nga ang aktres kung kumusta siya bilang taong nagmamahal.

“I would say, I think, I’m a better partner now because I have learned to love myself more, so I have more love to give and the right type of love,” she said.

As we all know, Bea is very much happy sa relasyon niya ngayon with Dominic Roque.

Leave A Reply

Your email address will not be published.