Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Angelica, Quinn ‘bibiyakin’ nina Vance, Albie

0 110

NI: ROLDAN CASTRO

Ano nga ba ang pamilya? Sa eskwelahan, tinuturo sa atin na ito ang basic unit of society. Dito natin unang natututunan ang prinsipyo at paniniwala sa buhay, nalalaman kung ano ang tama sa mali, dito nabubuo ang ating pagkatao. Dito nakakahugot tayo ng lakas at hindi nakakaramdam ng pag-iisa. Sa pamilya, lagi tayong ligtas at may kasama.

Pero mapaglaro ang tadhana sa magkapatid na Violet at Samantha. Sa halip na payapa at komportable ang pamilya, pananamantala ang nararanasan nila. Alamin ang kanilang kuwento sa isang VIVAMAX ORIGINAL MOVIE mula kay Joel Lamangan, mapapanood na ang BIYAK sa VIVAMAX ngayong July 1, 2022.

Si Violet (Angelica Cervantes) at Samantha (Quinn Carillo) ay magkapatid na nabuhay sa magkaibang mundo matapos ipaampon si Violet ng kanilang ina, bata pa lamang siya. Kahit napunta sa mayamang pamilya at nagkaroon ng marangyang buhay, hindi ito naging sapat kay Violet dahil kapalit naman nito ang walang tigil na pang-aabuso at sexual harassment ng kanyang adoptive father.

Para matakasan ang ganitong buhay, hahanapin ni Violet ang tunay niyang pamilya sa tulong ng boyfriend niyang si William (Vance Larena). Dadalhin siya ng kanilang paghahanap sa tunay niyang ina at makikilala rin ang kapatid na si Samantha, isang matapang at siga na babae na sanay sa hirap at dating drug pusher, pero ngayon ay isa ng police asset na tumutulong sa mga pulis na katulad ni Erwin (Albie Casiño) para magresolba ng mga drug-related cases.

Bagamat iba ang ibig sabihin ng ‘biyak’ (komisyon) sa pelikula, hindi rin mabibigo ang mga manonood dahil mainit ang eksenang ‘bibiyakin’ nina Vance at Albie sina Angelica at Quinn.

Lumaki man na may magkaibang pamumuhay, mahahanap ng magkapatid ang ‘di kanais- nais nilang pagkakapareha, dahil ang mga mundong ginagalawan nila ay parehas na puno ng anumalya, droga at pananamantala. Ngayong nakahanap sila ng kakampi sa isa’t isa at kasama na ang mga tao at pamilyang totoong nagmamahal sa kanila, makabawi na kaya sila sa lahat ng sakit at hirap na pinagdaanan nila?

Tampok sina Angelica Cervantes at Quinn Carillo, na parehas bumida sa mga hit 2021 Vivamax Original Movies na Silab at Eva, kasama rin sa pelikula ang knight in shining armor nilang sina Vance Larena, at Albie Casiño. Isang movie collaboration na handog ng 3:16 Media Network, Viva Films at ni Direk Joel Lamangan, may isang VIVAMAX ORIGINAL MOVIE na namang siguradong pag-uusapan.

Pagdating sa pamilya, walang hindi kayang gawin, walang hindi kakayanin.

Leave A Reply

Your email address will not be published.