Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Angelica sinindak si Charlie

0 114

Dahil sa kahusayang ipinakita ni Charlie Dizon sa Metro Manila Film Festival 2020 entry na Fan Girl, pati ang mga kapwa-artista niya ay humahanga ngayon sa kanya at pina-fangirl siya.

Isa na nga sa nagpakita ng kanyang paghanga ay si Angelica Panganiban na nagsabing fan na raw siya ng Best Actress winner at the 46th MMFF Gabi ng Parangal.

Nag-tweet si Angelica na pangarap daw niyang maging si Charlie at super-rave siya sa kahusayan nito.

“Husay ni charlie dizon!! Pangarap kong maging siya pag laki ko. Fan na niya ko ngayon!” tweet ng aktres.

Sumagot naman si direk Dan Villegas na partner ng direktor ng Fan Girl na si Antoinette Jadaone. Anang direktor, “sinindak mo siya nung birthday ko!!! Sabi mo, “Ah. Ikaw yung Fan Girl?” Hahahaha.”

Nag-react naman ng laughing emojis si Charlie.

Samantala, sa isang hiwalay na panayam ni Charlie ay ipinahayag niyang gusto raw niyang maging bida-kontrabida tulad ni Angelica noon sa seryeng “Rubi.”

Mga pirata ng MMFF movie nag-sorry

Speaking of Fan Girl, isa-isa nang lumantad ang mga pumirata sa naturang MMFF film at nagsipag-apologize base na rin sa tweet ng direktor na si Quark Henares.

Ipinost ni Quark na siya ring head ng Globe Studios na co-producer ng pelikula, ang mga screenshots ng mga piratang umamin at tila natakot sa demandang isasampa sa kanila ng produksyon.

“Kung pwede lang mag-sori sa bawat taong nawalan ng trabaho dahil sa inyo. Para lang saan? Social currency? Para maging cool sa Facebook? Sana kayo rin ang pinakacool sa Munti at Bilibid,” ang caption ni direk Quark.

Sa isang screenshot ay makikitang nagsisipag-sorry ang mga pirata at tumangkilik ng pirated copy at may kanya-kanya silang dahilan kung bakit nila nagawa ‘yun.

“Tinanong ko po ‘yung pinagbilhan ko ng movie, ang sabi niya po may permission naman daw po na may copy siya,” katwiran ng isang nanood ng pirated copy.

‘Yung isa naman ay nangatwiran na hindi lang naman daw siya ang nag-upload ng pirated copy kungdi marami raw sila.

Binura na raw nya ang video at nakiusap na huwag umabot sa demandahan.

Isa ang Fan Girl sa biktima ng piracy among the MMFF2020 entries.

Leave A Reply

Your email address will not be published.