Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Angelica sumabog sa galit

0 800

Nagsalita at umalma na rin si Angelica Panganiban sa pagkaka-deny ng prangkisa ng ABS-CBN and as a result ay nagbabawas na ngayon ng empleyado ang network.

Sa sunod-sunod na tweets niya kahapon, bungad niya ay nanahimik daw siya dahil hindi raw kayang buuin ng mga salita ang kanyang nararamdaman.

“Nanahimik dahil hindi kayang buuin ng salita ang nararamdaman ko. Galit, takot, pangangamba. Ilang buwan nang nag iisip paano na ang kasamahan namin sa trabaho. Ang pamilya nila. At dumating na ang araw na napakahirap tanggapin,” ang simulang tweet ni Angelica.

Pagkatapos nito ay binanatan niya ang mga mambabatas na aniya ay inuuna raw ang sarili bago ang taumbayan.

“Serbisyo para sa bayan ang dapat na inuuna ng mambabatas natin. Sa ginawa nila, sarili nila ang inuna nila. Sa totoo lang, hindi po namin responsibilidad ang mga empleyado na nawalan ng trabaho. Pero nandito kami. Nagsasalita, para sa kanila. Bakit? Kasi siguro yun ang makatao,” ang unang tweet ni Angelica.

Mensahe pa ng aktres sa mga hindi pumabor na magkaroon ng bagong prangkisa ang kanyang home network, “tratuhin niyo naman kaming mga tao. Kaming lahat na nawalan ng trabaho. Nawalan ng tahanan. Paano niyo kayang sikmurain na pag tawanan ang kapwa ninyo pilipino na nawalan ng kabuhayan? Pilipino sa kapwa pilipino na ang naglalaban laban. Tama pa ba yon?”

Pagtatapos ng aktres, “hindi namin ikakamatay ang masasakit ninyong salita laban sa amin. Pero, ikakamatay ng marami sa kasamahan ko at ng mga pamilya nila ang gutom na mararanasan nila sa mga darating na araw. Tapos na ang panahon para matakot.”

Leave A Reply

Your email address will not be published.