Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Angelica tadtad ng pantal ang binti

0 320

Kanya-kanyang reaksyon ang mga netizen sa ipinost ni Angelica Panganiban na litrato ng na namumula sa pantal ang binti. Hindi naman niya tinukoy ang dahilan.

May caption itong “A beautiful disaster!”

May mga nabahala at nagsabing dahil babad daw sa dagat ang aktres ay ipinahamak ito ng ganda.

Nagselos daw umano ang mga isda sa kanyang kaputian kaya inatake ito ng jellyfish.

May mga nagkuro-kuro ring baka allergic reaction ito sa seafoods na nakain o baka nakagat ng insekto si Angge.

Worst pa, may humirit na ‘ginalis’ daw ang aktres.

Nagbigay pa ng iba’t-ibang payo ang mga netizen para gamutin ang kanyang kundisyon.

Paano si Ate Guy?:Isko pabor maging National Artist si Vilma

Naiintriga na mga katkatera ngayon ang dating actor at Manila Mayor na si Isko Moreno.

Suportado kasi at iniendorso niya ang

resolusyon ng konseho ng Maynila sa nominasyon ng Star for all Seasons at Batangas Representative na si Vilma Santos

bilang Pambansang Alagad ng Sining sa Pinilakang Tabing ng National Commission on Culture and the Arts na ang opisina ay nasa Intramuros.

Vilmanian daw pala si Mayor kaya mega-push nitong maging National Artist ang beterana at multi-awarded actress ng Batangas.

May nang-iintriga rin na mas suportado ni Isko si Vilma kesa kay Nora Aunor na malapit sa yumaong ama-amahan niyang si Kuya Germs.

Speaking of Isko, ginawa na ring pelikula ang lifestory niya sa “Yorme: The Musical” pero hindi ang anak niyang si Joaquin Domagoso ang magbibigay-buhay sa kanyang katauhan kundi si McCoy de Leon.

Darren tuliro kina Cassy, Jayda

Palaisipan para sa Darrenatics kung sino ba talaga ang nililigawan at gustong maging girlfriend ng Fil-Canadian singer na si Darren Espanto.

Noong Araw ng mga Puso, nag-viral kasi ang umano’y ipinadala niyang bouquet of sunflowers kay Cassy Legaspi, daughter nina Carmina at Zoren.

Mas lalo pang tumingkad ang mga sapantahang nanliligaw na ang dating produkto ng The Voice Kids Philippines sa Kapuso artist nang magpasalamat si Mina sa pa-pizza nito sa Legaspi family.

Marami namang faney ang nagwi-wish na sana sila na ni Jayda, anak nina Jessa Zaragosa at Dingdong Avanzado.

Sobra kasi silang kinilig sa first collaboration ng dalawa sa “Sana Tayo Na.”

Speaking of Jayda, payag na pala ang mommy Jessa niyang paligawan na ang darling daughter dahil turning 18 na ito.

Ito ang naging rebelasyon ni Jessa nang kapanayamin siya ni Vina Morales sa kanyang vlog.

Sey pa ng Phenomenal Diva, aprub din sa kanya kung si Darren ang magiging boyfriend ng anak.

Aniya, okey lang daw na magkaroon ng inspirasyon ang anak basta huwag lang asawa.

May mga nang-uurot naman na baka raw namamangka na sa dalawang ilog si Darren.

Leave A Reply

Your email address will not be published.