Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Angelica tinakwil ang bisyo: Puro negative ‘yung nakikita sa pregnancy test

0 161

Ni: VINIA VIVAR

Bago natupad ni Angelica Panganiban ang minimithing pregnancy, aminado ang aktres na 1 year na silang nagta-try ng kanyang dyowang si Gregg Homan.

“Alam ‘yan ng mga close friends ko. Na ‘pano ba? Ano bang sikreto? Ano bang mga dapat gawin?’” kuwento ni Angelica sa latests vlog ni Meryll Soriano.

“Siyempre, ginawa namin ang mga dapat gawin, may mga doctors kaming kinausap, may mga pinainom na vitamins,” patuloy niya.

Pero lagi raw silang bigo na makabuo ng baby kaya dumating sa puntong nawawalan na siya ng pag-asa.

“’Nung mga pagdating siguro ng September ng 2021, last year, medyo napanghihinaan na rin ng loob. Ang bilis kong napanghinaan ng loob, di ba? Kakakita ko nang kakakita, parang monthly, ganyan, puro negative nang negative ‘yung nakikita mo du’n sa pregnancy test, then feeling mo naman, sinusunod mo naman lahat ng bilin ng doktor,” tsika ni Angge.

Para lang mabuntis ay talagang kinalimutan daw niya ang dati niyang lifestyle.

“Kung ano ang lifestyle mo noon, talagang tinalikuran mo, wala kang bisyo, wala kang alak, wala kang puyat, ganyan. Yoga ka nang yoga, malapit na ‘kong maging yogi (tawag sa mga taong expert sa yoga), di ba?” sabay-tawa.

Pero wala pa rin daw nangyari kaya nag-relax na lang daw siya at sey niya sa sarili, ‘okay lang ‘yan.’

Pero nito ngang January, 2022 ay bigla na lang na-delay ang menstruation niya. At ‘yun na nga, nang mag-pregnancy test siya ay nag-positive na ito. Ganu’n na lang ang pagkagulat niya at halos hindi siya talaga makapaniwala. Siyempre ay masayang-masaya siya.

Sa ngayon medyo malaki na nga ang baby bump ng aktres at sobrang excited na siya na maging isang ganap na ina. Sey nga niya, napakatagal na niya itong hihihintay at ang pagkakaron ng sariling pamilya talaga ang matagal na niyang pangarap.

Leave A Reply

Your email address will not be published.