Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Angelica tinamaan sa may sabit

0 133

Natawa si Angelica Panganiban nang tanungin sa “Ask Angelica” kung na-in love na raw ba siya sa lalaking may sabit.

Hindi niya alam kung aamin siya o hindi. Nagsalita naman siya tungkol dito pero hindi na siya nagbigay ng detalye.

Sey ni Angge na-in love daw sila sa isa’t isa habang meron silang parehong karelasyon. Pero, ang ginawa raw nila ay dumistansya. Alam daw kasi nila na may mali at hindi puwede.

SM food to go Banner Ad

Ibinunyag din niya na madalas siyang pagselosan ng mga dyowa ng mga kaibigan niyang lalaki. May pagkakakataon pang ninakawan siya ng cellphone ng girlfriend ng friend niya para tingnan lang ang mga messages.

Hindi na lang daw niya ito pinalaki at pinatulan. Hindi na rin daw niya kinompronta.

“Choose your battles, ” aniya.
Samantala, nag-bonding kamakailan sina Angelica, Bela Padilla at Kim Chiu sa Subic. Ito’y pagdiriwang sa pangatlong anibersaryo ng kanilang pagkakaibigan na tinawag na ‘AngBeKi’.
Talbog!

Leave A Reply

Your email address will not be published.